Chapter Twelve

232 10 3
                                    

Rooftop

Napangiti ako nang makasabay ko pagbaba sa parking
lot si Lala. Gotcha! San kaya nagpupunta 'tong babaeng 'to? Lagi niya na lang akong iniiwan tuwing snack time and lunch break.

"HOI!" Napatalon pa siya nang gulatin ko. Napatawa ako nang marinig ko siyang magmura. "Sorry! Masyado ka naman atang nagulat." Tinitigan niya ako nang masama at umirap.

"Sa sobrang pagsama mo kay Ross pati hobby niya nang panggugulat naadopt muna."

Humalakhak ako. "Crazy! What happened to you? Ba't parang puyat na puyat ka?"

Bumuntong-hininga siya. "Cheerings."

Nanliit ang mga mata ko. "Totoo ba 'yan?"

Nag-iwas siya nang tingin at tumango. "Sorry, alright? Wala ka bang sports na sinalihan?" Tanong niya habang papaakyat na kami sa ikatlong palapag.

"Wala eh!"

"Ha? Why? You're no fun at all!" Napalingon ako sa kanya nang marinig ang pamilyar na sinabi. San ko nga ba narinig 'yan?

"I can't do outdoors activities."

Kumunot ang noo niya. "Bakit nga?"

Sasagot na sana ako nang marinig ang ingay na nagmumula sa tapat nang room namin.

"Shit! Varsities!" Bulong ni Lala habang nakatingin sa aming pinto. Nakita ko ang mga basketball players na nagkakaasaran sa hallway. Nasa dulo na nang hallway ang aming room kaya't walang estudyante ang dumadaan pero nakakaagaw pansin pa rin ang ingay at tawanan nila.

Dumiretso ako at napayuko nang mahagip nang aking mata si Chrime. Kausap niya si Kiro at ang isang babaeng mukhang taga-ibang school. I think she's Patricia, 'yong Lasalista. Lumalakas ang pintig nang puso ko. Damnit!

Nilingon ko si Lala na tila tinubuan nang ugat sa kanyang kinatatayuan. Para siyang naestatwa at di makagalaw.

"What's wrong?" Gusto kong matawa dahil sa itsura niya. She looks so pale!

"Hey! Hey! Sa wakas nahuli mo din siya Chaera." Alanganin akong ngumiti nang makita si Ross na papalapit samin. "Ano bang pinagkakaabalahan mo, ha?" Inakbayan kami ni Ross at pinagkukurot ang pisngi ni Lala.

"Mind your own bizz, Ross!" Natatawang sagot ni Lala.

Nakaramdam ako nang hiya nang mapansin ang pagtahimik nang paligid. Nakatingin samin ang iba pang varsities nang school.

HOLY!

"Whoa! Dude, hindi ka lang magaling sa sports and academics, huh? Pati chicks dude, kinareer muna!" Nagsimula na namang mag-ingay ang paligid at nabaling samin ang kantsyawan nang mga kasamahan nila. Mayabang naman na inalis ni Ross ang akbay niya at nakipaghigh-five sa mga kasama.

Napalingon ako sa gawi ni Chrime. Nakatingin siya sakin habang nakataas ang isang kilay. Umiling siya nang umiling na parang disappointed sa kung anong bagay. I wonder what Kiro's talking about dahil mukhang hindi nagugustuhan ni Chrime ang kinikwento niya. Mukhang napansin ni Kiro na hindi nakatingin sa kanya ang kausap kaya sinundan nito ang direksyon na binabalingan ni Chrime.

Nabaling samin ang atensyon ni Kiro. Nagtama ang aming paningin kaya bahagya akong ngumiti. Pero nagtaka na lang ako na isang malamig na tingin ang iginawad niya samin. He must be serious, huh! Mukhang wala ata sa mood ngayon ang energizer nang mga Freyans.

Undying Heart (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon