Chapter Eleven

235 13 1
                                    

Bonding

Napansin ko ang kakaibang tingin sakin nang mga estudyante pagpasok ko pa lang nang gate. What now? Napapitlag na lang ako bigla nang may maramdaman akong tao sa tabi ko. Ikinawit nito ang kanyang braso sa kamay ko.

"C-Chrystal?" Ngumiti lang siya pero di ko pa ring maiwasang kabahan. Ngayon lang kasi kami nagkasabay at ngayon niya lang ako dinikitan nang ganito. Anong meron?

"Morning." Simpleng bati niya habang nagpapatuloy kami sa paglalakad. Kung kanina'y sumusulyap lang sakin ang mga estudyante ngayon ay tumitigil na mismo at sinusuri ako.

Damnit! Anong bang nangyayari?

"Kasama mo si Chrime, kahapon." Sa pagkakarinig ko ay hindi iyon isang tanong. It's a statement. Tumango lang ako. "Why?" Tumigil kami at seryoso niya akong pinagmasdan.

Kinabahan ako. Gosh! Feeling ko, hahatulan ako ngayon.

"H-Hindi ko alam eh." That's the truth. Kung ano man ang trip nang kakambal niya ay di ko talaga alam.

Ngumuso siya at nag-isip. Bago paman siya makapagsalita ay may kumurot na sa kanang pisngi niya. "O-Ouch! Ano ba!" Asik niya sa kadarating lang na si Ali.

"Princess, why are you even asking that?" Bungad nito na mukhang narinig ang tanong ni Chrystal kanina.

"Fucking chismoso." Bulong ni Chrystal at nagpatuloy ulit kami sa paglalakad. "What do you mean by that? I just want to know why Chrime need to do that."

"Tss. ." Umiling-iling si Ali. "Princess, it's because she's alone, yesterday. Did you already forgot what she did just to saved you?" Natigilan si Chrystal at humarap kay Ali. Lumambot ang ekspresyon nang mukha niya sa narinig.

"You mean, it's because of me?"

"Ofcourse! Chrime's never care to anyone. Ikaw lang naman ang importante sa kanya. Tumatanaw pa rin 'yon ng utang na loob kay Chaera." Napakagat ako sa pang-ibabang labi sa narinig.

Natulala ako habang naglalakad kami. Pakiramdam ko bumigat ang loob ko. Damnit! Ano pa bang aasahan ko? Ali is right!

"Well, right! Now you're famous as a celebrity because of him." Umakbay muli sa akin si Chrystal. Napalunok ako at pilit na itinago ang pait na kasalukuyang dumadaloy sa sistema ko.

"W-What do you mean? P-paano niyo pala nalaman ang paghatid sakin nang k-kambal mo?" Hindi ko mapigilan ang manginig.

"Are you okay? Why are you always shaking?" Nakita ko ang pag-aalala sa mukha nang dalawa. Umiling na lamang ako at pilit na ngumiti. Ba't ganito ako kaapektado?

HECK!

"It's all over the website of our school, Chaera?" Si Ali ang sumagot. "Chrime, should know this lalong dadami ang bashers mo at baka mabully ka pa." Napalingon ako sa kanya.

Na naman?

"That's not gonna happen. Let me fix this. I'll explain everything." Chrystal said.

Napabuntong-hininga ako at kinalma ang sarili. Ano ba 'tong nararamdaman ko? What's wrong with me? Nahihirapan ako dahil lang sa simpleng sinabi ni Ali, which is really true!

Ano bang inaasahan ko?

Ang may kakaibang turing sa'kin si Chrime dahil sa kabutihang pinapakita niya. At ano ang kakaibang 'yon? Ang magkagusto sakin? Damnit! I'm really this pathetic, huh? Kahit ang nangyari nung gabi na nalasing ako ay di ko makompirma kung totoo ba or what! This is all new to me! Shit!

Undying Heart (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon