Unforgettable Night
Tulala ako harap nang salamin habang inaayusan nang make-up artist na nirentahan pa ni mommy. Kahit ayokong pumayag na magbayad pa siya, nagpumilit si mommy. Ang party'ng pupuntahan ko daw ay hindi basta-basta.
Sabi naman ni Tita Ceth ay simpleng ball lang naman ang magaganap kaya nga pumili siya nang dress kong angkop sa okasyon. Pero 'yung dress bang 'yun ay simple nga ba?
It's a cream-white colored off-shoulder dress. Kumikinang ang maliliit at detalyadong diyamante nito. Hindi ito umabot sa aking tuhod. Ewan ko nga eh, siguradong maiinggit si Psyche kapag makita ang isusuot ko.
Matapos akong ayusan ay pinasuot din mommy ang stilletoe na binili niya kanina. Actually, she's more prepared more than me. Tingnan mo may pamake-up artist pa. Kinulot din ang buhok at pinanatiling nakalugay ito. Hindi ko nga makilala ang sarili ko sa salamin eh.
Ang nagpapakaba lang sakin ay 'yung sinabi ni Chrime. Prepare for tonight daw? Gosh! Ano kayang meron?
Kanina nga rin bago niya ako ihatid ay ibinigay niya rin sakin ang trophy na natanggap niya kanina. Kinilig na naman ang katawang lupa ko nang sinabi niyang.
"I told you, I'll joined the playoffs because I want to play for you. I got this nonsense trophy because of you. Kaya, I think you deserve this. Just get it, Chaera. Stop saying no and stop refusing me." Nakasimangot niyang sinabi kaya tinanggap ko na lang yung trophy niya.
Isinama ko 'yun sa sandong ibinigay niya sakin noon. 'Yung nag-swimming kami at pinasuot niya sakin 'yun. He already gave me three items. His sando, trophy and the necklace. Kokolektahin at iingatan ko talaga ang lahat nang galing sa kanya.
'Yung puso niya kaya? Nasa akin din? Hala, Chaera! Nabaliw ka na!
Umiling-iling ako at natawa na lang kay mommy na ilang beses pang nagpapicture sakin bago ako pinakawalan.
"Chicha, enjoy your night, alright? Hindi kita bibigyan nang curfew because I know you won't make yourself tired. Just call me if papasundo ka na kay Tatay Teban." Umiling si mommy. "But I highly doubt it. Siguradong may maghahatid sayo after the party. Sa ganda mo ba namang 'yan? Manang-mana ka sakin." Tawa niya kaya ay napatawa na rin ako.
"Mommy talaga. Sige na po, mauna na'ko." Nakangiti akong kumaway sa kanya.
Tahip-tahip ang kaba ko habang bumibyahe papunta nang school. Haist! Calm down, Chaera. Wala pa ngang nangyayari ay ganito ka na? Hindi ba sabi ni Krimen dapat ay sanayin ko na ang sarili kong kasama ko siya whether you like it or you like it. See? Wala kang choices.
Huminto ang aming sasakyan sa tapat nang school. Ipinakita ko ang hawak kong itim na invitation card sa gwardiya bago kami tuluyang pinapasok sa campus.
Literal akong napanganga nang makaapak ako sa gitna nang aming school. Ang mahabang red carpet ay ang lalong nagpagulat sakin. Shocks! May pa red carpet talaga?
Our whole highschool department were sorrounded by black and white themes. Napakaelegante nang lugar. Even those students walking on my way have their sophisticating grace. Damn! Ngayon lang ako, nakapunta sa ganitong okasyon nang school? Wala bang ganito last year?
"Waiting for me?" Halos matapilok ako nang marinig ko ang boses ni Chrime sa aking gilid.
"C-Chrime.." Holy crap! Ang gwapo niya. His hair is dominantly brushed up that make his aura more powerful. His jaw line cussing shits infront of me. And ohmygad, ang lakas nang appeal nang kanyang diamond earring sa right ear niya.
