Lying
Hindi magkamayaw ang mga nanonood sa playoffs nang basketball varsities namin. Pansin kong hindi lang din si Chrime ang tinitilian nila. Madaming humahanga sa palangiting si Kiro at Ali. Si Dos naman ay kahit suplado pumipila din ang mga babaeng tumitili sa kanya. Ganun din sila Ross, ang pinakabatang player na si Zid at iba pang varsities.
Actually, lahat sila may itsura. 'Yun nga lang lamang na lamang si Chrime. Sabi nga ni Lala, parahes nang personality si Chrime at 'yung idol niyang anime character na si Kaede Rukawa. Ehh? Pinakita niya pa sakin 'yung picture nung Rukawa. Gwapo naman pero cartoon character naman eh? Seriously? He's not even existing.
Matapos ang kapapaosang nangyari ay tinanghal pa rin si Chrime bilang player of the year. Sabi din ni Lala ay lagi naman daw si Chrime ang pinaparangalan mula nang sumali siya sa basketball.
Hindi na namin tinapos ang laro dahil ayaw naming makihalo mamaya kapag sabay-sabay na lumabas ang mga tao sa gym baka magka-stampede pa.
"Grabe talaga sa loob kahit aircon naman pinagpawisan yung kili-kili ko." Natatawang reklamo ni Lala habang papalabas kami nang gym.
Nagulat pa nga ako nang makita ang madaming estudyante sa labas at may kanya-kanyang banners na dala.
"'Yang mga 'yan ay hindi na pinapasok kasi hindi na sila kakasya. Gawd! Wala bang sariling foundation day sa school nila. Ang unfair ha, di nga kami nakikialam sa school nila pagfoundation nila eh. Badtrip." Natawa ako sa reklamo ni Lala.
Tama nga naman siya!
Papalabas na sana kami nang pinto nang bigla akong hilain ni Lala. Nagtataka ko siyang nilingon.
"Si Chrystal.." She whispered at nanlaki ang mata ko nang makita si Chrystal na nakahalukipkip sa labas nang gym.
Ngumingiti siya sa mga bumabati sa kanya at may iba pang nag-ooffer nang inumin or pamaypay sa kanya. Umiiling lang siya at ngumingiti. Alam kong masama ang turing sakin ni Chrystal pero alam ko ring mabait siya. Sobrang bait niya nga sakin nang mga panahong close pa kami. Namimiss ko rin ang mga araw na magkasama kami at alam ko rin nung mga panahong 'yun ay lahat nang pinakita niya ay totoo.
Nakakalungkot nga lang na dahil may gusto sakin ang kapatid niya nawala na din ang pagkakaibigan namin.
"Sa likod na lang tayo dumaan." Bulong ulit ni Lala na ikinailing ko. "What, Chae? Baka awayin ka na naman."
Nilingon ko ang nag-aalalang si Lala at nginitian. "Hindi ko siya maiiwasan, Lala. Nakalimutan muna bang schoolmates natin siya and worse, classmate pa. Okay lang 'yan, kahit ano pang sabihin niya hindi ko naman iiwanan si Chrime. Nakarating na ko dito eh." Seryosong sinabi ko at diretsong lumabas nang gym.
Pagbungad ko pa lang ay nagtama na ang aming paningin. Naramdaman ko ang nanginginig na kamay ni Lala'ng kumapit sakin nang mahigpit.
Chrystal looked at me with her cold eyes. Nalulungkot ako, ang mga matang 'yan noon ay nakangiti kapag nakikita ako.
Habang papalapit kami sa kanya ay binundol ako nang kaba. Kinagat ko lang ang labi ko para maiwasan ang panginginig nito.
I saw Chrystal smirked. "Have a guts now, huh?" Bungad niya.
"Chrystal." Pigil ni Lala.
She rolled her eyes. "Just look at you, Chaera. Sa tingin mo ba nababagay ka samin? If you didn't know Chaera, my brother is very superior his self. Madaming bagay ang nakapatong sa balikat niya at magiging sagabal ka lang. If you think, I'll stop from separating the two of you. Well, no. Suit yourself, Chaera." Seryosong sinabi niya. "Darating ang araw na pagsasawaan ka din niya." Dagdag niya at tinalikuran ako.
