Chapter Fifty-five

275 10 2
                                    

Reality

Asikasong-asikaso ako ni Chrime mula ng sumakay kami ng eroplano hanggang sa makarating kami sa Pilipinas.

Sinalubong kami nang dalawang tauhan nila Chrime. Manghang-mangha pa ako sa magarang SUV nila na sumundo sa amin.

"Didiretso ako sa hospital. What about you?" Malambing niyang sinabi ng sumakay kami sa sasakyan nila. He put my head on his chest.

"Sa hospital na din. On duty naman si mommy eh." Sagot ko na feel na feel ang pagsandal sa kanyang dibdib.

"Are you sure? You need to rest." He caress my hair.

"I'm fine. Ikaw din naman kailangan mong magpahinga. Inaabuso naman ang katawan mo."

I heard him chuckle. "Sanay ako." He simply said.

Pumikit ako. Chrime is right, I need to rest too. Hindi ko tinapos ang therapy ko sa New York para makasama sa kanya sa pag-uwi. I know I'm all alright pero delikado pa rin. I can feel my body worsen.

"Chrime.."

"Hmmp?"

"I.. I'm.. I'm hungry." Napailing ako. I'm getting weak. 'Yun ang dapat kong sasabihin. I want to tell him about my condition.

Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat ng nararamdaman ko. Gusto kong magsumbong at umiyak para sabihing may mga pagkakataong nahihirapan akong huminga. Pero hindi ko pala kaya.. ayokong mag-alala siya. Ayokong problemahin niya ako.

Naramdaman ko ang paghalik niya sa aking sentido. "Dumaan muna tayo sa restaurant para makakain ka kung ganun." Malamig niyang sinabi na tila alam niyang nagsisinungaling ako.

Tumango ako at yumakap sa tagiliran niya. "Let's eat first." Hindi na siya sumagot.

"Sa restaurant muna tayo." He coldly approached his men.

"Masusunod po, young master." Magalang na sagot ng tauhan niya.

Ilang sandali pa ay tumigil ang sasakyan. Mabilis kaming pinagbuksan ng mga tauhan ni Chrime.

"Let's go." Hinawakan niya ang bewang ko. Ihhh? Masyado namang malapit kapag ganito! Gawd! Hindi ako sanay.

Sa restaurant ay sinalubong kami ng isang magandang babae. Ngumiti siya sa amin. "Any reservation, Sir?" She politely asked.

"None, just give us the table for two." Si Chrime ang sumagot.

Tumango naman ang babae.  "No problem Sir. Follow me."

Tahimik naman kaming sumunod. Inilibot ko ang aking paningin at nakitang nasa isnag Filipino-restaurant kami. Amoy na amoy ang mainit na sabaw ng dumaan sa amin ang isang waiter.

Kadalasan ay boung pamilya ang kumakain dito. May mangilan-ngilan ding magkakabarkada at magkasintahan. Kami lang ata ni Chrime ang highschooler dito.

Hinila mismo ni Chrime ang aking upuan at inalalayan niya ako paupo.

Napangisi ako. "Para naman akong baldado sa turing mo."

"This is how I show my love to you." Kibit-balikat niya. Ang cheesy din nito eh! "What's your order?" Binuklat niya ang nakahandang menu.

"Hmmp.. sinigang na hipon and this ginisang ampalaya." Sagot ko.

"Ganun na rin ang order ko and just add two orders of halo-halo, too." Simpleng sabi rin ni Chrime bago kami tinalikuran ng waitress na balak na atang iulam si Chrime dahil sa paraan ng pagtitig nito.

Undying Heart (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon