Chapter Fourty-five

217 8 1
                                    

The Day

"I don't get you, Lala. Why do you still want to be with that jerk? Akala ko ba gusto mong makalimutan siya?" Nakapamewang pa akong pinagsasabihan siya. Pero wala siyang ibang reaksyon kundi ang tumawa.

"Gawd! Ang cute mo pala magalit." Natatawa niya pang sambit.

"Can you stop it? I'm damn serious! I really don't get it!"

Bumuntong-hininga siya. Lumapit siya sakin at niyakap ang aking gilid. Kasalukuyan kaming nasa kitchen ng condo unit ni Chrime. We're preparing for the foods I will serve later.

"I'm sorry, Chae. I know I already made a promise to you. But I really mean it. I told you I want to take my time with him while I'm here." She said seriously. Naiintindihan ko naman pero..

"Month of September pa lang, Lala. You still have 7-8 mos. to endure the pain that Kiro will bring to you."

"When you're with your love one. Sobrang bilis ng panahon. Halos hindi mo namamalayan."

I deeply sighed. Alright, tama nga naman siya at wala na akong magagawa. I'll just support her.

"Don't worry hindi naman ako lalapit sa kanya tulad ng dati eh. I'll stop myself from it."

Ngayon ay hindi ko na naman siya maintindihan. Gusto niyang makasama si Kiro habang nandito pa siya pero hindi tulad noon na masyado siyang nakikialam? I wonder what really happened? 'Yun ba 'yung  nakipagsabunutan siya sa kay Kisha na dating fling ni Chrime? That's it? Ang babaw naman ata nun!

Ang narinig ko ay may nagawang mali si Lala at mukhang lumubos ang pakikialam niya kay Kiro. Ayoko namang magtanong dahil masyado na atang pribado 'yun.

"Alright, bahala ka nga." Ngumiti na lang siya.

Halos umabot kami ng hapon sa pag-aayos ng lahat naming kailangan. With the foods, designs and cheesy lines. Halos kapusin na ang hininga ko but I know it's all worth it. Para kay Chrime ata 'to. Kompara sa mga nagawa niya, walang-wala pa  ang lahat ng 'to!

"I will leave you here, later. May mga aasikasuhin kami ni Tita para sa mga maiiwan naming properties eh."

Nagtataka ko siyang nilingon. "Ha? Anong properties? Wala ka na bang balak bumalik?"

Umiling siya. "Bakit pa? Maybe babalik lang ako dito for a vacation. Or baka ihuli namin 'yung bahay namin para may mapupuntahan ako pagbalik ko."

"Where are you going to stay, anyway?"

Ngumiti siya at umiling. "No one knows."

"Tss. Ang daming alam." Nagtawanan na lang kami.

Tumambay na lang kami habang hinihintay ang oras. Chrime texted that he will be here at 7 p.m. kaya sobra-sobra ang excitement na naramdaman ko.

Like what we did yesterday, inubos namin ang oras sa pagkuha ng litrato sa kabuuan ng condo ni Chrime. I can't believe na ganito ang kalalabasan ng naisip kong sopresa kay Chrime.

"You did a great job, Chae. Kung sana ay umayon din sakin ang tadhana ay gagawa rin ako ng mga ganito para kay Kiro." Tumayo si Lala at inayos ang gamit. "I need to go. Call me, when you need anything. Alam mo naman, one call away lang ako." Humalakhak siya.

"Ewan ko sa'yo. Sige na, mag-iingat ka. Tawagan mo rin ako pagkailangan mo 'ko pero pag-iisipan ko pa kung pupuntahan kita." Tumawa ako ng kinirot niya ang tagiliran ko.

Undying Heart (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon