Chapter Fifty-eight

224 7 2
                                    

Party

Umikot-ikot ako sa harapan ng malaking salamin ng nakangiti. Hindi makapaniwalang may igaganda pa pala ang isang tulad ko. Laking pasasalamat ko rin ng bumalik na sa dating kulay ang mga kamay at kuko ko. Kung sakaling nakita 'yun ni mommy ay baka hindi niya ako padaluhin sa party na'to.

"Ang ganda talaga ng anak ko." Madramang sinabi ni mommy matapos maihatid sa labas ng gate ang make-up artist na binayaran niya.

"Maganda naman po pala 'yung lahi natin mom, sana po gumawa kayo ng marami." Pagbibiro ko na ikinatawa niya.

Nagsisimula na naman kasi siyang maging senti at ayaw ko 'yun. Ayoko siyang nakikitang malungkot.

"Blame it to your busy father." Tumawa siya pero kalauna'y naging seryoso. "Natakot na kaming magkaroon pa ng anak nang makita ka naming naghihirap." Malungkot niyang sinabi.

Mabilis ko siyang niyakap. "Wag ka nang malungkot mommy! Hindi po ako mawawala sainyo. Pangako po, hinding-hindi ko kayo iiwan." Napapikit ako dahil kahit ako mismo hindi ko sigurado ang sinasabi ko.

Hinaplos niya ang aking likod. "Haist! Puro tayo drama! Baka masira ang make-up mo." Humiwalay siya at kinuha niya ang kanyang phone. "Let's capture this moment." She smile at me.

Ilang posts ang ginawa namin ni mommy bago kami nagsawa sa kakakuha ng litrato naming dalawa.

"Mabuti pa ay lumakad ka na." Kumapit siya sa braso ko at iginiya ako papalabas ng kwarto.

Halos bitbitin ko ang gown kung suot. Ang theme ng party nila Chrime ay white, black and gray. Nakasuot naman ako ng magarang tube-ball gown na kulay gray. Kumikinang na tila pinapalibutan ng mga bituin. Mukha akong aattend sa party ni Cinderella dahil sa suot ko.

Ganito kaya ang itsura namin ni Chrime sa pamamasyal mamaya? Should I bring my spare clothes? Or baka sa isang romantic place kami pupunta?

Irrr.. naeexcite tuloy ako!

Lumabas ako ng bahay ng nakangiti.

"Goodluck sa'yo, Chicha." Bungad ni Tatay Teban habang pinagbubuksan ako ng pintuan ng aming Strada.

"Ae's Hotel po tayo,Tay. Salamat po, siguradong mag-eenjoy ako." Di pa rin mabura ang ngiti sa aking labi.

Sa isang five-star hotel gaganapin ang party nila Chrime. Pagmamay-ari daw ito ng mga magulang nila Ali, Dos at Ash. Kumusta na nga pala 'yung si Ashley? Hindi ko na siya masyadong nakikita.

Sinilip ko ang aking phone para makita kung may nagtext man lang. Ngumisi ako ng mabasa ang text ni Lala.

Lala:

Make sure to be the most beautiful, Chae! Ang gwapo ata ng boyfriend mo! Sinundo ka ba niya? Kainggit! Si Kiro kasi tinatamad daw akong sunduin pero he'll wait 4 me at the venue! Isn't it exciting?

Umiiling akong nagreply.

Ako:

Hindi ako sinundo. It's his birthday, I'll let him free from any responsibility. Iwasan mo na nga si Kiro! Asan na 'yung move on process mo!

Hindi kaagad siya nagreply kaya muli kong binuksan ang iba pang nagtext.

Si Chrime!

Krimen:

I'm at the hotel. I'm sorry kung hindi kita kaagad maaasikaso. There's a program tonight and it sucks. Please, kindly stop texting me repeatedly. I can understand one mesage.

Undying Heart (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon