Falling Hard
Sunud-sunod ang aking paglunok nang tuluyan kaming makapasok sa gym. Damnit! Bukod sa natatanging mga players ay wala na talagang ibang nanonood. I'm just the only audience here! Nakakahiya!
Napangiti ako nang makitang papalapit si Ross. Atleast may makakausap akong kakilala ko. Pero bago pa man siya makarating sakin, lumapit na sa kanya si Kiro at may ibinulong. Napansin ko ang pagkunot nang noo ni Ross at palipat-lipat ang tingin saming dalawa ni Chrime. Bahagya pa siyang nagulat bago tumalikod at dumiretso sa bench.
What was that?
"Stay here." Muli akong napalunok nang marinig ang malamig na boses ni Chrime. Galit pa rin ba siya?
"Opo, kamahalan!" Asik ko at padabog na umupo. Hindi ko naman alam ang ikinagagalit nito? May sapak din talaga eh! Bipolar!
"What? Do you want to sit beside him?" Nakita ko pa kung paano siyang umirap sa sinabi. Bago padabog din na ibinaba sa tabi ko ang kanyang dalang bag.
"N-No, ofcourse not! Ba't ka ba kasi nagagalit?"
"I'm not mad. Just stay here and focus on me. That's all. Is it hard?"
"Alright! Alright! I'll shout for your name! Ichi-cheer kita. Promise!"
"Good." Sabi niya at kinuha ang jersey sa bag bago ako tinalikuran.
Dark-yellow ang kulay nang kanilang suot. Si Kiro at Chrime ay parehong Freyan ang apelyido. Magkasama rin ang dalawa sa team. Hindi ko kilala ang ibang nasa kabilang panig tanging si Ali, Dos at Zid lang. Kulay blue and white naman ang kulay nang jersey nila.
Nag-isip pa ako nang gagawin habang nag-wawarm-up pa sila nang bigla kong maalala ang hawak kong phone ni Chrime. Kinabahan akong bigla. Gosh! Ba't nga ba napunta sakin 'tong cellphone niya?
Nakita kong picture nilang dalawa ni Chrystal ang kanyang wallpaper. Nakapiggy-ride sa kanya ang kakambal habang pinipilit itong ngumiti. Muli ay nakaramdam ako nang inggit. How I wish I have a kuya or ate too. Or even a little bunso pa.
Mabilis kong binuhay ang wifi at wala pa nga sa limang segundo ay sunud-sunod na ang notifications nito. Likes and followers ang nangunguna sa kanyang Instagram at Tweeter. Nakarinig na'ko nang tumatalbog pero mas naagaw pa rin ang aking pansin nang kanyang phone.
Pinindot ko ang icon nang Facebook para tuluyan nang maconfirm ang aking request pero ganun na lang ang gulat ko nang mahigit kumulang ilang libo ang friend request niya.
WTF! Isa-isahin ko ba? Kelan ako matatapos?
Huminga ako nang malalim bago naiisipang hanapin ang aking request. Damnit! Ang dami niyang request, nakita ko rin na saktong labing-walo lang ang kanyang friends. Ang susuwerte naman nang mga 'to!
Ilang minuto pa ang lumipas nang di ko mahanap ang aking pangalan. Kainis! Ang dami naman kasi! Hinahayaan niya lang ba 'to? He can just delete all of this, you know! Nilingon ko si Chrime nang biglang lumapit sa tabi ko. Kinuha niya ang kanyang gatorade at itinungga ito.
"You're not watching." Sabi niya habang isinasara ang inumin.
I pouted. "I can't find my request. Ang dami mong fans."
"Hmmp. . I'd never open that so I don't know who the hell are they."
"Hindi ka nag-fefacebook?"
"Yeah. But only if my mom posted some new updates."
"Overseas ba ang mommy mo?" Tumango lang siya at muling tumayo.
