Downfall
Hindi ko alam kung anong mararamdaman matapos ang nakakabaliw na proposal ni Chrime. Well, he said he is not yet proposing. Hindi naman daw niya ako tinanong kung tatanggalin ko ba ang singsing? Ang sabi niya lang ay feel niya lang daw ibigay sakin 'yon para kiligin ako.
I don't know what to feel. Overwhelmed pa rin ako at hindi makagalaw ngayon sa mismong table ng mga kamag-anak niya.
"This is what I am talking about, mukhang gusto na kaagad ang matali ni Chrime." Uminit ang pisngi ko ng marinig ang pasaring ni Tita Vian.
Gustong-gusto ko na ang umalis at lamunin na lang nang aking upuan sa sobrang hiyang nararamdaman.
"We should just Chrime about this. May tiwala naman kami sainyong dalawa, Chaera." Tito Christof's seriousness gives shiver on my spine.
Tumawa ang daddy ni Ali. "Kanino pa ba siya magmamana? Pardz, atleast your son knew his priority and can do the multi-tasking." Tito Ace commented.
"Come on, Tito/Tita. Stop interoggating Chaera, baka mailang siya dito." Napatingin ako kay Tip. Kumindat pa siya sakin bago ako hilain papalayo sa table ng mga magulang ni Chrime.
"Thank you so much, Tip! Grabe, nakakakaba naman dun!" Pasasalamat ko na ikinatawa niya lang.
"Ganun talaga. Omoo! Chrime just proposed to you! What do you think will happen if makaharap mo sila Tita Vian? Gawd! I'm so kinikilig with the both of you!" Hila pa rin ako ni Tip sa table namin.
"Nahihiya nga ako. Siguradong dadami ang bashers ko bukas!"
"Bukas is Saturday! We don't have classes, duh?" Natawa ako sa pagiging conyo niya. "Chrime will protect you. And there will be no rumors or news about what happened this night na lalabas sa media." Tip explained.
"Totoo?"
Tumango-tango siya. "Maybe some of the details will be out but not everything. Our family kasi is very confidential and pirvate. Kaya don't worry about it. I'm on your side too." Napangiti ako ng akbayan niya ako.
"Omygad! Omygad! Omygad! Totoo ba 'to? Engage na kayo ni Chrime? Kyaahhh.. your so lucky, Chae! I'm happy for you!" Tuwang-tuwa si Lala at sinalubong ako ng yakap.
"Thank you, Lala. I am really lucky." Nasabi ko na lang.
"Hey! Anyway guys, please attend the after-party. There will be a lot of inumin. Sabihin mo kay Chrime na aattend ka ha!" Makulit na sinabi naman ni Tip.
"Sure thing Tip! We will stay." Lala assured.
Umalis si Tip at kakaibang ngiti ang ibinigay sakin ni Lala. Hindi ko maiwasan ang pamulahan ng pisngi. Gawd!
Hinawakan niya ang aking dalawang-kamay. Tinitigan ang aking palasing-singan. Hinaplos niya ang manipis at kumikinang na singsing sa aking daliri.
Napatitig na rin ako. Ngayon ko lang nabigyang pansin ang disenyo ng singsing. May maliit na puso ito sa gitna at napapalibutan ng sobrang liliit na bituin. Kung hindi mo tititigan ay aakalain mong simpleng diamonds lang.
GRACIOUS! Sobrang ganda at detalyado ng disenyo nito.
"Ang swerte mo! This ring cost a lots. Paniguradong milyon-milyon ang halaga niyan! Ibenta kaya natin." Biro niya pero nangingilid na ang luha. "Masayang-masaya ako para sainyo ni Chrime. Hindi niyo man alam ang mangyayari sa future, Chrime assured you to be always by your side no matter what. You deserve this happiness, Chae! Sobrang bait mo kasi kaya ka pinagpapala." Tumulo ang luha niya kaya ay niyakap ko siya.