New friend
Sa araw nang Sabado ay napag-isipan ko munang tanggihan ang mga imbitasyon nang mga Freyans. Ilang beses nila akong tinawagan, text at kinausap nang personal. But I did rejected them. Ewan! Masyado akong naguguluhan! Hindi ko alam kung sino ang iiwasan si Chrime ba o si Chrystal.
"You are going to use your scooter, Chicha?" Tanong ni Mommy nang makita akong chinecheck ang iniregalong motor ni Daddy.
"Yeah mom! Baka po kasi masira pag na-stock."
Tumango siya at lumapit sakin. Hinalikan niya ako sa noo. "I'm gonna sleep, first. Mamaya dapat sabay tayong magdinner, alright?"
Matamis akong ngumiti. "Mommy ofcourse! I miss you too. Magpahinga ka na po. I'm going to take care of myself. Don't worry." Niyakap niya ako bago tuluyang pumasok sa loob.
Nightshift siya pag-biyernes kaya ay tanghali na siya kung dumating. Natutulog lang din siya at nagigising lang pagsaktong dinner na.
Napangiti ako nang makasampa sa aking motor. It only just a Sniper 135. This is my daddy's gift dahil kahit mabilis akong mapagod mahilig akong mamasyal. Kaya ay ibinili niya ako nang sariling sasakyan para magamit.
Naisip kong sa north wing muna nang subdivision pumasyal. Gusto ko kasi talagang mapasyalan ang kabuuan nang lugar. I find it very interesting para kasing bawat parte nang subdivision ay may iba't-ibang dimensyon.
I excitingly pressed the starter of my motorbike and drove it outside our gate. Dinamdam ko ang hanging tumatama sa aking pisngi habang umaandar. Holy cow! Ang sarap talaga nang hangin dito. Ilang minuto pa ang tinagal ko bago makarating sa mini park nila. Kung sa southwing ay mayroong pinakamagagandang mansyon, sa lugar namang ito ay mga karaniwang bahay nang mayayaman lang.
Karaniwan, dahil wala akong nakikitang guard sa gilid nang gate nila. Kahit ang mga gate nila ay simple lang ang disenyo at tanging mga bakal lang. Matatanaw mo ang loob nang bakuran na minsa'y may kasambahay pang nagdidilig. Mabilis kong ipinark ang aking motor at inalis ang aking helmet.
Inilibot ko ang aking mata sa kabuuan nang park. Kahit ito ay napakasimple rin. Dalawang swing, tatlong sesaw at dalawang slide. Puno rin nang bermuda ang paligid. Damn place! Ang ganda rin!
Umupo ako bermuda grass kung saan may lilim nang malaking puno. Pinagmasdan ko ang bawat batang naglalaro. Wala silang mga kasamang nannies. Siguro ay simple lang talaga ang mga nakatira sa north side. Buti pa siguro kung nandito ang bahay namin ay pwede ko pang ikumpara sa tunay naming buhay na nakagawian.
"Hi! Bago ka ba dito?" Napaigtad ako nang may isang lalaking lumapit sakin.
Kumunot ang noo ko nang walang pasabi itong umupo malapit sakin. Pero may ilang dipa pa naman ang distansya. Nakasuot siya nang eyeglasses pero hindi ko maiisip kung nerd ba dahil may earring din siya right ear niya. May dala siyang komiks? May nagbabasa pa ba nang komiks ngayon? Well, mukhang meron pa.
"Your new here?" Tanong niya ulit at sinimulang buklatin ang komiks.
"Y-Yup. Pero taga-east wing ako."
"Rich, huh?" Sabi niya kahit ang tingin ay nasa binabasa.
"Hindi naman. Eh ikaw? Taga dito ka ba?"
"Oo. Anong pangalan mo? This is my usual spot." Napalingon ako sa kanya bago sumagot.
"Chaera, ikaw? Sorry ha! Naistorbo ba kita?" Nahihiyang tanong ko.
