A favor
Matapos ang drama namin ni Lala ay pumasok kami kinaumagahan. May dala rin siyang extra clothes dahil mag-oovernight daw siya mamaya para matulungan ako sa pag-prepare ng surprise monthsary kay Chrime.
Naeexcite na talaga ako!
Nagpractice rin akong magbake kagabi ng cake. My mom taught me and she's very proud of me because I am a fast learner. I'm proud of myself too.
Maybe after class, we will start making some balloons and I'll buy some of ballcaps too para magsakto sa gagawin ko.
I hope Chrime will like my surprise. Sana lang talaga.
"Good morning, Lala." Ngumiti ako nang makita si Lala na hinihintay ako sa gate.
Nginitian niya ako pabalik pero di pa rin nakaligtas sa akin ang pagdaan ng lungkot sa kanyang mga mata.
"Okay ka na ba?" Nag-aalalang tanong ko.
"I-I'm fine. Matagal ko na 'tong pinag-isipan, Chae. Kahapon lang ako natauhan." Tumingala siya para mapigil ang pagtulo ng luha niya. "S-Susubukan ko, pinapangako ko 'yan. I tried not to open any of my accounts. I also deactivated my facebook and I.g. Sana lang kapag makasalubong ko siya ngayon ay makayanan ko rin."
Nagsimula kaming maglakad papunta sa aming room. "La, ikaw ba ang laging napunta sa room niya tuwing vacant time?"
Dahan-dahan siyang tumango. "I always brought him a snack."
Natigilan ako sa sagot niya. "WHAT?"
Muli siyang tumango. Napailing naman ako. Ginagawa niya talaga 'yun? "Minsan, ginagawan ko rin siya ng home prepared na lunch. Actually, I'm like his nanny. Minsan nga feeling ko naiirita na siya. Hindi ko alam kung bakit hindi ko agad na realize na mali na pala ang lahat. One time, I saw him threw away the snacks I'd prepared for him. Sobrang sakit nun, Chae. Pero hindi ko maintindihan kung bakit sinabi niya lang na allergy siya sa seafoods ay pinatawad ko na." Pasimple niyang pinunasan ng kanyang kamay ang kanyang luha.
"Well, start for today. You won't come to his room. You need to avoid the Senior's building. Dahil paniguradong magkukrus talaga ang landas niyo." Naalala ko noong nasa may mall kami ni Lala. Kiro acted so weird. Akala ko nga possesive siya nung magpapakilala si Lala kay CX nun.
Tss! Ang gulo! Feeling ko may gusto din si Kiro kay Lala eh. Pero kung uunawain mo ang kwento ni Lala. Paulit-ulit siyang nireject ni Kiro. Bakit iba ang nakikita ko tuwing magkasama sila?
"I think you're right. Kaya for now, sa'yo muna ako sasama. Please stop me when you saw me looking at him. Pigilan mo ko kapag nakita mong patungo ako sa room nila." Pakiusap niya.
"You can count on me. But you can't avoid him forever. Hangga't nasa iisa kayong school. Magkikita at magkikita kayo."
"I know. Sana talaga makaya ko, Chae. Bakit ba kasi ang hina-hina ko pagdating sa kanya? Ang bilis kong bumigay sa mapupungay niyang mata."
Tinapik ko na lang ang kanyang balikat ng pumasok kami sa room. Our morning class goes smoothly. Lectures, short quiz and a boring discussions.
Pumunta kami sa cafeteria para sa break time at tulad nga ng napag-usapan namin ni Lala kanina ay namataan kaagad namin ang grupo ng mga Freyan and their friends. Halos kompleto silang lahat pwera lang kay Chrime na nasa hospital ngayon at kay Ali na nasa kolehiyo na.
Ali? Nandito pala si Ali, kadarating lang niya habang dala ang isang tray ng pagkain. Tumabi siya kay Zia.
Nilingon ko si Lala at tulad din ng inaasahan ko ay na kay Kiro nga ang atensyon niya. I creased my forehead when I saw Kiro laughing with the girl I saw at his condo unit. So, estudyante din pala dito 'yang higad na 'yan?
