[1] Eyes on Me
All eyes were on me... except for one person.
Hindi nagbago ang itsura niya. Ganoon pa rin. Ang mga mata niya ay nakatuon sa mga alak na nasa table niya. Hindi niya ako tinitingnan kagaya ng iba.
Napalunok ako.
"Babe, are you ready? Give your introduction speech," bulong ni Juno sa gilid ko.
I licked my lips again. "Are you having a good and chill night right now, everyone?" tanong ko sa audience, pero ang mga mata ko ay nakatuon doon sa lalaking nasa dulo. Hey, look at me. "I'm Vivi and yes, I'm a new singer here. And... Uhm..."
Para akong napipi nang biglang gumalaw iyong lalaki sa pagkakaupo niya. Akala ko titingin na siya sa akin pero sumandal siya at pumikit. Napakurap ako. Ilang beses. Bago nahanap muli ang sariling boses at nagpatuloy sa pagsasalita.
"The first song I'm going to sing is a ballad. The title is Eyes on Me sung by Faye Wong."
Naging tahimik ang audience. Ni hindi pumalakpak. Nakakunot lang ang kanilang mga noo, hula ko ay dahil hindi nila alam ang kantang sinabi ko.
But Eyes on Me is my most favorite song. It holds so many precious memories in my heart and soul. Ito ang gusto kong kantahin sa unang gabi ko sa trabaho kong ito.
Wala sa sariling bumalik ang atensyon ko sa lalaking nasa dulo. Nanatili siyang nakapikit.
Sumenyas ako kay Juno para simulan niya na ang intro ng kanta. Unang tipa pa lang niya ng piano ay nagtaasan ang mga balahibo ko sa braso. Napayakap tuloy ako sa aking sarili.
Gusto kong umiyak.
"Whenever sang my songs on the stage, on my own. Whenever said my words, wishing they would be heard."
Napakapit ako sa mic nang biglang dumilat iyong lalaki. Dumiretso ang mga mata niya sa akin. Our eyes locked with each other.
Muntik na naman akong mapipi! Mabuti at nakabawi agad ako.
I opened my lips to sing the next line but I mentally cursed when I saw him smiled at me.
"I saw you smiling at me, was it real or just my fantasy? You'd always be there in the corner of this tiny little bar..."
Shit... Nanginig ang buong kalamnan ko. Kinilabutan ako. Nanlamig ang mga kamay at paa ko. Sumakto sa lines ang nangyari ngayon lang!
He smiled at me. Totoo, hindi ba? Ngumiti siya sa akin. Kahit saglit lang iyon, ngumiti siya sa akin!
"I kind of liked it your way how you shyly placed your eyes on me. Oh, did you ever know? That I had mine on you..."
Ngayong nasa akin na ang mga mata niya, parang gusto kong lumubog ngayon. Kakaiba siyang tumingin. Hindi ko kinakaya. The grim, lonely, broken expression he had was making my whole body tremble.
"Darling, so there you are with that look on your face. As if you're never hurt. As if you're never down. Shall I be the one for you who pinches you softly but sure? If frown is shown then, I will know that you are no dreamer..."
May tumulong luha sa isang mata ko. Pasimple ko iyon pinunasan. Bakit ako umiiyak? Umiiyak ba ako dahil sa lalaking nakatingin sa akin? That guy who looked so broken and lonely?
Hindi ko siya kilala. Ito ang unang beses ko siyang nakita.
Pero bakit umiiyak ako dahil sa kanya? Umiiyak ako para sa kanya?
Napansin ata ng mga audience na umiiyak ako kaya ang iba sa kanila ay sinigaw ang pangalan ko.
To cheer me up. To make me smile.
BINABASA MO ANG
Eyes On Me
General FictionThe Lionheart Brothers #1 "You are always looking at her. Just this time, please, look at me. Eyes on me."