[28] Lane
"Bakit ka ngumingisi diyan?" tanong ko kay Raz nang makalapit sa kanyang table. "May narinig ka, 'no? Sa mga sinabi nina Bianchi?"
Sobrang nag-iinit ang mukha ko. Paniguradong narinig niya ang sinabi ni Bianchi kaya may malaking ngising nakabalandra sa masungit niyang mukha ngayon.
Tumaas ang isang kilay niya. Nanatili ang malaking ngisi sa labi. "Malapit lang ang table ko sa inyo. Maririnig ko talaga ang mga sinabi niyo."
"Sorry. Naoffend ka ba?" nakanguso kong tanong.
Umiling siya. "No. It's okay." Bigla siyang tumawa nang mahina.
Mas lalong nag-init ang mukha ko. "Sorry talaga. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang sinabi ni Bianchi. Wala akong kinuwento sa kanya tungkol sa nangyari kagabi-"
Natigil ako. Wala namang nangyari sa amin kagabi! Ano ba itong sinasabi ko?
"May nangyari ba sa atin kagabi?" pabulong niyang tanong at umahon sa pagkakasandal sa upuan.
Tinakpan ko ang aking mukha sa hiya. Gusto ko nang sumigaw sa kahihiyan!
"I'm sorry!" sabi ko ulit.
Narinig ko siyang humalakhak. Kinuha niya ang mga kamay kong nakatakip sa aking mukha at hinawakan iyon. Nagtagpo ang mga mata namin. Halatang natutuwa siya sa pinag-uusapan namin dahil pati ang mga mata niya ay ngumingiti.
"Stop being cute, will you?"
"I'm not being cute." I pouted.
Bumaba ang tingin niya sa nakanguso kong labi. Mabilis kong pinagdikit sa isang linya ang labi ko. Napalunok ako kasabay ng pagkabog ng aking dibdib.
He licked his lips before turning his eyes away from my lips. Pinatong niya ang mga kamay ko sa magkabilang balikat niya. He snaked his arms around my waist and pulled me towards him. I gasped softly.
"You don't have a gig later. Can we go out for a date somewhere?" he asked gently.
"Ma'am, pwede po ba ang PDA rito sa shop?" nakakalokong tanong ni Bianchi sa aming likod.
Nahihiya akong lumayo kay Raz. Tinanggal ko ang mga kamay niya sa aking baywang. Ganoon din ang ginawa ko sa mga kamay na nasa balikat niya. He rolled his eyes.
Naisip ko ang sinabi niya. Date. He wants to go somewhere with me! Mabilis gumapang ang init sa mukha ko. Ulit.
"Hindi ba tayo pupunta sa favorite place natin mamaya?" tanong ko, init na init ang pakiramdam sa mukha.
"Gusto mo ba roon na lang tayo palagi? Don't you want to go somewhere else? Hotel? Resort? Casino? Restaurant?" he said suggestively.
"Hmm..." Napaisip ako. "Wala akong masyadong alam sa Bayan ng Travia. Kalilipat lang namin noong nakaraang taon. Hindi ako masyadong pamilyar sa lugar na 'to. Saan ba maganda?"
Napaisip din siya. "How about in our mansion?"
"What?" Nanlaki ang mga mata ko. "Bakit doon?"
"Mas mabuting sa mansion na lang tayo. May garden of flowers doon, green house, swimming pool, gym, play room... maraming libangan doon. Mas maganda kung doon tayo para kapag napagod, diretso na tayo sa kwarto ko," seryosong sabi niya.
Pero ako, hindi ko magawang seryosohin ang sinabi niya. Pakiramdam ko kasi ay nagbibiro siya. Binibiro at inaasar niya ako. Alam naman niyang ayaw na akong papuntahin ni Vaan sa mansion nila, lalo na ang matulog sa kwarto niya, tapos doon pa niya gustong pumunta?

BINABASA MO ANG
Eyes On Me
General FictionThe Lionheart Brothers #1 "You are always looking at her. Just this time, please, look at me. Eyes on me."