[19] Fiancee

3.6K 115 14
                                    

[19] Fiancee


"How did you know I would be here?" tanong ko kay Raziel nang puntahan niya ako.

Hinila ko siya sa hallway kung saan ang mga comfort rooms. Baka kung sino pa ang makakita sa amin roon sa mismong venue.

Bahagya niyang sinulyapan ang kamay kong nakahawak sa kanyang braso. Napalunok ako at agad siyang binitiwan. Tumagilid ang ulo niya nang tingnan ako.

"I saw the list of invited people here. It was given to us by Chrome. Your name was there as a guest singer," he answered. Tumango ako at kinagat ang pang-ibabang labi. "Your name is Vashti Iynaia Azcarraga? Sounds familiar to us so Chrome did a background check on you."

Suminghap ako. Bumaba ang aking tingin sa mga paa ko. "What did you find about me?" mahina kong tanong.

"I didn't read it. All of my brothers had read it except for me," he answered in a soft voice.

I looked up at him and saw how tender his eyes while looking at me. "B-But why? Why didn't you read it?" I asked, confused.

He gave a sigh. "I want you to tell me first hand about you. Everything about you, Vashti Iynaia."

My heart melt when he smiled. Iyong tipo ng ngiting parang walang pinagdadaanang hindi maganda.

I couldn't help but to fall for him. Kahit na alam kong sa huli, ako lang din ang masasaktan. Ang gusto ko lamang ay maging okay siya. Gusto kong makita ang isang Raziel na masaya.

I don't mind getting hurt. I just want to put a smile on his face. Like this time.

"You look different tonight," he commented.

My face heated. "Anong iba? Naglagay lang ako ng kaunting make-up, nag-iba na agad?" nahihiya akong tumawa.

"Tsss. Para kanino ka nagpaganda? Para doon ba sa artistang Kaiser na 'yon?"

Ano?

Nagulat ako sa biglaang sinabi niya. Ang tono niya ay tila galit at nangongonsensya.

"Hindi, ah! Syempre kakanta ako sa harap ng mga bigating tao, kailangan kong mag-ayos ng sarili. I need to look decent."

"Kapag nagpeperform ka sa maliit na stage doon sa bar ni Ell, hindi ka naman naglalagay ng make-up. What's the difference? Is it because Levi Kaiser is here?" Tumaas ang kanyang kilay.

Napanganga ako. Tapos bigla akong natawa. Hindi ko magawang mainis o ma-offend sa mga sinasabi niya dahil sa paningin ko, ang cute cute niya! Dumadaldal na rin siya!

His lips twitched. "What's so funny?" Lumabas na naman ang pagkasuplado niya.

"You..." Pinigilan kong tumawa dahil mukhang naiirita na siya ngunit tumakas muli ang panibagong tawa sa aking bibig.

"Tsss. Laugh all you want. I'm going back."

Iniwan ako ni Raziel sa hallway. Mabilis ang lakad niya, halatang iritado sa ginawang pagtawa ko. Huminga ako nang malalim. May ngiti sa labi, nagtanong ako sa napadaang staff ng hotel para tanungin kung saan ang dressing room para sa mga guest singer.

Ako na lamang ang hinihintay sa dressing room. Nagulat pa ako dahil lahat ng mga kasamahan kong babae ay nakasuot ng magaganda at mahahabang dress. Mas labas din ang balat nila.

"Vivi! Ang tagal mo! Magsisimula na ang party!" si Karin. Hinagod niya ako ng tingin. "Palitan natin ang dress mo! Hindi pwede iyan! Dapat long and endearing dress ang suot!"

May ipinakita siyang pulang dress. Nalaglag ang aking panga nang makitang may mahabang slit iyon sa kaliwang legs at backless pa! Medyo labas din ang cleavage ko kapag sinuot ko iyan!

Eyes On MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon