[38] Bad Angel
Hinayaan kong pag-isipan ni Ellone ang alok kong tulong sa kanila ni Raz. Hindi ko siya pinilit. Hindi ko rin siya kinosensya o ano pa man. Sinabihan ko lang siya ng mga salitang alam kong magpapalakas ng kanyang loob.
"Maghihintay ako ng sagot mo. Pag-isipan mong mabuti ang plano kong ito. Mahal mo si Raz, Ellone. Kaya mo ba talagang pakawalan siya nang ganoon na lang? Ang iwan siya? Ang hindi siya makasama? Mahal niyo ang isa't isa. Kung ipaglalaban niyo ang pagmamahalan niyo, kung ipapaintindi ninyo sa pamilya mo kung gaano kaimportante ni Raz sa buhay mo, alam kong maiintindihan ka nila. Pamilya mo sila. Hindi sila ibang tao," mahabang litanya ko. "Mag desisyon ka na dahil si Raz, matagal na siyang nagdesisyong ipaglaban ka. Ikaw na lang ang hinihintay niya."
Kinagat niya ang kanyang labi at malalim na nag-isip. Hindi siya nakasagot sa akin noong araw na iyon.
Sumandal ako sa pinto ng aming apartment. May narinig akong kumatok, hindi lang isang beses kung 'di tatlong beses na magkasunod. Kanina pa may kumakatok pero wala akong lakas ng loob na pagbuksan ang lalaking naghihintay sa kabilang pinto.
Sumisikip ang dibdib ko. Nananakit ang lalamunan sa sobrang pagpipigil sa hikbing gustong kumawala sa aking bibig. Hinawakan ko ang doorknob, sobrang higpit na tipong nagiging puti at visible na ang mga buto sa dulo ng mga daliri ko.
"Vivi?" Isang mas malakas na katok muli ang narinig ko.
Raziel...
Gustong-gusto kitang makasama. Gusto kong manatili kung ano mang mayroom tayo.
Pero gusto kitang maging masaya sa piling ni Ellone. Hindi kita kayang pasayahin, e....
"What are you doing there?" masungit na tanong sa akin ni Vaan pagkalabas niya sa kanyang kwarto.
Pigil ang mga hikbi at luha, nagmamakaawa akong tumingin sa aking kapatid.
"Vaan..." walang tunog kong tawag sa kanya.
Natigilan siya. Ang masungit niyang ekspresyon ay naglaho. Walang ingay siyang lumapit sa akin.
"Vivi? Are you there?" Raziel's voice raised a little.
Tumulo ang luha sa isang mata ko. Tinakpan ko ang aking bibig sa papalabas na hikbi.
"Bakit hindi mo siya pinagbubuksan?" mahinang tanong ni Vaan.
Umiling ako. Umiling lang ako.
"Ano bang nangyayari sa inyong dalawa? Isang buwan lang akong naging mailap sa'yo, Ate, naging ganito na ang sitwasyon niyong dalawa? Gusto kong magtanong kung bakit iniiwasan mo siya pero nagtatampo ako sa'yo... pero ngayong nakikita kitang umiiyak ngayon..."
Pumikit siya nang mariin at umiling nang maraming beses. Marahan niyang ginulo ang buhok niya at saka muling dumilat.
"M-Mahal ko siya, Vaan. Pero hindi naman niya ako mahal, e. Si Ellone pa rin... Alam kong siya pa rin... Nakikita niya lang ako kay Ellone... Hindi si Vivi ang tunay niyang nakikita... I'm just his rebound girl... right...?"
Tahimik akong umiyak sa harap ng kapatid ko habang patuloy naming naririnig ang paulit-ulit na katok sa pintong sinasandalan ko. Naaawa akong pinanood ni Vaan.
"Gusto ko siyang pasayahin. Gusto ko ako pero alam ko namang hindi ko siya talaga kayang pasayahin, e. Si Ellone pa rin ang hahanapin niya sa huli. Sobrang sarap maging selfish. Alam mo iyon? I just want to keep him all by myself but I know it's wrong. I love him. And this is how I will love him. Lalayuan ko siya at tutulungan sila ni Ellone maging masaya sa piling ng isa't isa kahit ang hirap-hirap. Kahit ang sakit sakit."
BINABASA MO ANG
Eyes On Me
General FictionThe Lionheart Brothers #1 "You are always looking at her. Just this time, please, look at me. Eyes on me."