[20] Go Back
"Levi..."
Humikbi ako. Everything around me started to blur. I was so afraid that my eyes only focused at him. He's what I need the most right now. A familiar face, a warm and comfortable arms... It really feels like home.
"Wanna go out for a while?" Though his voice was emotionless, I could see the concern on his eyes. Tumango ako. Humigpit ang hawak niya sa aking baywang. "If you really wanted to never come back where you should belong, why would you appear here? Alam mong nandito si Madam Red, bakit pumunta ka pa rin?"
Bumuhos na ang mga luha ko. Nalukot ang mukha niya. Hinawakan niya ang aking kamay at marahan akong hinila pababa ng stage.
"Let her go, Levi. I want to talk to her," Madam Red said.
Nahinto kami sa pagbaba. Lumingon siya sa direksyon ng pinanggalingan ng boses.
"Maybe after an hour, Madam. I will talk to my fiancee first."
Humigpit ang aking hawak sa kamay ni Levi na para bang iyon na lang ang source of strength ko kaya ako nakakatayo ngayon.
Tahimik ang buong venue. Lahat ng mga mata ay nasa amin, ang mga tenga ay nag-aabang ng maaari naming sabihin.
"You are defying my order?" Hindi ko magawang tingnan si Auntie ngunit alam kong hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Levi.
A forceful hand snatched me from Levi. I gasped. Muntik na akong masubsob sa sahig noong hinila niya ako pababa ng stage.
"R-Raziel!"
Saglit niyang sinulyapan si Madam Red. "I will be the one to talk to her first."
Wala akong narinig na sinabi ng aking Auntie habang hinihila ako ni Raziel. Nadaanan namin sina Ma'am Ellone at Accel. Gulat na gulat si Ma'am habang nakatingin sa amin. Yumuko ako dahil sa kahihiyan. Nasira ko pa ang engagement party niya.
"I will come back here and snatch you away from that idiot, Ell," mariing sabi ni Raziel kay Ma'am bago namin sila nilagpasan.
"What did you say?!" Narinig din iyon ni Accel kaya nanlilisik ang mga mata niyang sinundan kami.
"Oops. Let my brother have a little time with his new girl friend. It's rare to see him like that, pagbigyan mo na." Humarang si Jagger para pigilan si Accel sa pagsunod sa amin.
Pumikit ako nang mariin at nagpaubaya na lamang sa paghila sa akin ni Raziel. My whole body was shaking. 'Di ko inaakalang ganito ang magiging epekto sa akin nang muli naming pagkikita ni Auntie.
Mas lalo akong natakot sa kanya.
Mas lalo kong gustong lumayo at pumunta sa isang lugar kung saan mababa ang porsyentong magkita kami.
Ayaw ko na siyang makita. Ayoko na. Ayoko na talaga.
Sa labas ng hotel ako dinala ni Raziel. Huminto siya sa paghila sa akin at padarag na binitiwan ang aking kamay.
"You have a fiance?" Humarap siya sa akin, kunot ang noo.
Pinunasan ko ang mga bakas ng luhang tumulo kanina. Pinanood niya ang ginagawa ko. Unti-unti ay lumambot ang ekspresyon niya. Nawala ang kunot ng noo.
"I-I'm sorry I didn't tell you about a single thing about me..." nanginig ang aking boses.
Umihip din ang pang gabing hangin dahilan para mas lalo pang manginig ang buong katawan ko. My dress was too revealing kaya ramdam na ramdam ko ang lamig.
BINABASA MO ANG
Eyes On Me
General FictionThe Lionheart Brothers #1 "You are always looking at her. Just this time, please, look at me. Eyes on me."