[55] Changes

3.8K 95 20
                                    

[55] Changes


Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko at agad akong nakaramdam ng sakit sa batok ko. Nahihilo ako. Ilang beses akong kumurap-kurap dahil medyo malabo ang paningin ko. Noong luminaw ang aking paningin, nakita ko ang maraming lalaking nakasuot ng itim na suits, nakapalibot sa akin habang nakahiga ako sa kama. Hindi ko maaninag nang maayos ang mga mukha nila. Pagkatapos noon ay nakatulog ulit ako dahil sa pagkahilo.

Nagising ulit ako pero ngayon, hindi na mga lalaking nakaitim na suits ang nakapalibot sa akin, kung 'di si Raziel Lionheart.

Mabilis akong umupo mula sa pagkakahiga. Mariin akong pumikit dahil nakaramdam muli ako ng hilo. I felt his presence beside me.

"Hey... Are you alright?"

I wanted to curse so badly. I heard his voice again after three years, that deep and low voice. Iyong boses niyang masungit!

Hinilot ko ang aking sintido. Nanatili akong nakapikit. Nagsalita ulit siya gamit ang nag-aalalang boses. Pwede bang huwag na siyang magsalita dahil mas lalo akong nahihilo? Nahihilo ako sa pagkamiss sa kanya!

"It's nice to see you again, Vivi."

Dumilat ako. With a poker face, I glanced at him. "What do you want from me?"

He was taken aback. Nagulat siya sa paraan ng pagkausap ko sa kanya at sa tono ng boses kong may halong iritasyon.

Tinikom niya ang nakaawang niyang labi. Matagal siyang tumingin sa isang banda bago ulit nagsalita.

"How are you?" he asked as he stared at me.

Bumuga ako ng hangin. "Anong oras na ba?" Sinubukan kong tumayo sa kama.

Tumayo rin siya at lumapit sa akin. "It's already morning."

Nanlaki ang mga mata ko. "What?!" sigaw ko.

Hindi ko napansing umaga na! Wala kasing bintana sa kwartong kinalalagyan namin para makita ko kung maaraw ba o madilim! At wala ring wall clock kahit saan!

Inayos ko ang aking gown na suot ko sa party kagabi. "Where are we exactly? Why did you kidnap me?" tanong ko habang sinusuklay ang mahabang buhok gamit ang mga daliri.

I glanced at him when he didn't speak. Tumigil ako sa pag-aayos nang magkatinginan kami... nang makasalubong ko ang mga mata niyang malungkot at nangungulila.

Sumikip ang dibdib ko, hindi dahil sa nasasaktan o nalulungkot ako sa nakikita sa mga mata niya. Sumisikip ang dibdib ko sa inis. Why is he looking at me like I was the one who left him? Who abandoned him? When in the first place, noong handa na akong mahalin at piliin siya nang buo at walang takot, iniwan niya ako? Pinagtulakan niya ako!

Hindi niya ba 'yon natatandaan? Gusto niya bang ipaalala ko sa kanya ang ginawa niya?

Iniwas ko ang aking mga mata sa kanya at nag martsa palabas ng kwarto. Mabilis niya akong nahabol. Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko. Nakaramdam ako ng matinding kiliti. Para akong nakuryente!

Ganoon pa rin ang epekto ng mga hawak niya sa akin. Nakakakiliti. Nakakainit ng pakiramdam. Nakakaiyak. Nakakasakit ng damdamin!

Marahas kong kinuha ang aking kamay mula sa pagkakahawak niya. Dahil tatlong taon na ang lumipas, mas tumangkad siya at lumaki ang katawan! For seconds, I was intimidated! I felt small and weak in front of him!

But then I remembered that the Vivi Azcarrage he knew doesn't exist anymore. Iyong Vivi na palaging sumusunod sa kanya. Iyong Vivi na oo nang oo sa lahat ng gusto niya. Iyong VIvi na papasayahin siya palagi, kahit siya na mismo ang lugi at nasasaktan.

Eyes On MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon