[5] Take Advantage

4.7K 144 15
                                    

[5] Take Advantage


My brother is only nineteen years old. Ngunit maraming nagsasabi sa amin na parang mas matanda pa siya kesa sa akin. Matured na kasi siya kumilos, lalo na ang kung mag-isip.

Nang magkaroon ako ng pagkakataon para makausap ang kapatid ko noong araw na iyon, sinamantala ko na. Pumasok siya sa kitchen at uminom ng tubig. Sinundan ko siya roon. Lumingon siya sa akin habang umiinom.

"Bakit mo naman sinabi kay Raziel iyon?" bulong ko.

Tumaas nang kaunti ang isang kilay niya. Mahinhin niyang binaba ang baso sa counter. "Kasi iyon ang napapansin ko, Ate. He's taking advantage of you. Of your kindness."

"Mali ka ng iniisip, Vaan. Hindi ganoon iyon." Umiling ako.

"He kissed you that night when he stayed for the first time in our apartment, Ate. Nakita ko. Ang sabi mo ay ex siya noong boss mo sa grill bar and restau? Hindi pa siya nakakaget over. Nakikita niya sa'yo ang ex niya, hindi ba? He's making you a rebound. A distraction," malumanay niyang sabi pero may diin ang bawat salita.

Nasulyapan kong tumingin sa amin si Gelo habang gumagawa ng kape, pati iyong mga ibang crew sa loob ng kitchen. Napalunok ako. Kagat-labi kong tiningala si Vaan dahil mas matangkad siya sa akin.

"I think he needs my company..." I reasoned out.

"Of course, he needs someone like you, Ate. You're the very epitome of a fallen angel. You're kind, very understanding, and thoughtful. Every broken man will need you." He shook his head. "But it will only cause you trouble and pain, Ate. Sana maisip niya iyon at tigilan ka na niya."

Iniwan niya ako roon sa kitchen at bumalik sa pagtatrabaho na para bang walang nangyari. Kahit ganoon ang sinabi niya kay Raziel ay naging mabait pa rin siya rito kapag tumatambay sa apartment namin. Si Raziel naman ay mukhang binaliwala lang ang sinabi ng aking kapatid sa kanya.

"Anong gusto mong pulutan?" tanong ko sa kanya isang gabi noong gig ko.

Katatapos ko lang kumanta at may pahinga ako. Pumalit sa akin si Karin, isa sa mga kasabayan ko sa nine to twelve schedule.

He looked up at me. Agad bumaba ang tingin ko sa mesa niya. Iba't ibang klase ng alak ang nandoon. Napangiwi ako. Wala na naman kasing pagkain sa mesa niya. Puro alak.

Bumalik ang tingin ko sa mga mata niya. Saglit akong natigil sa paghinga. Dalawang linggo pa lang kaming magkakilala pero ang dami na niyang pinaparamdam sa akin.

Isa na rin sigurong dahilan ang itsura niya. Hindi siya iyong tipo ng lalaking madalas kong nakikita. Kakaiba siya. Kakaiba ang aura niya. Kakaiba siyang gumalaw at kumilos. Kakaiba siyang magsalita. Dahil siguro isa siyang Lionheart.

They say that the Lionhearts are the proud kings of Travia. I can see that. Sa itsura pa lang ni Raziel ay halata namang makapangyarihan at mayaman siya.

I couldn't help but to chew my bottom lip as I scanned his appearance. That unruly jet black hair. Those deep black eyes. He has a silver stud in his left ear and wears a silver chain necklace with a Griever pendant and a matching ring.

Makapal ang mga kilay niya sa paraang maganda at nakakakaakit tingnan. Nakakadagdag sa kasungitan at katahimikan niyang personalidad. Matangos ang ilong niya. Ang namumula niyang labing palaging nakatikom ay manipis.

His jaw slightly clenched. Oh. That prominent pointy jaw... Biglang nanlaki ang mga mata ko noong umangat kaunti ang labi niya. Hinanap ko ang mga mata niya.

"You're gaping at me too much," he said in a calm tone.

"I'm not gaping..." nahihiya kong sabi. Tumikhim ako. "Ano nga? Anong gusto mong kainin?"

Eyes On MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon