[2] Lionhearts
Panay ang basa ko ng aking labi dahil panay rin ang panunuyo noon. Diretso ang aking likod na nakasandal sa upuan. Ginalaw ko ang aking mata para tingnan siya, iyong pasimpleng tingin para hindi niya mahalata.
Nagulat ako noong maabutang nakasulyap din siya akin. Tamad na tamad siyang nagmamaneho. Napakabagal ng takbo ng kanyang sasakyan. Kinakabahan tuloy ako.
"Your place?" bigla niyang tanong.
Dahan-dahan kong binuga ang hiningang hindi ko namalayang pinipigilan ko na pala. This guy is intimidating. His presence is dark. Kahit mukha namang wala siyang balak na masama sa akin, may kakaibang dulot sa akin ang presensya niya. Nanghihina ang kalamnan ko. Ang puso ko, mabilis at malakas ang tibok. Hindi ko alam kung dahil sa kaba, takot, excitement, o dahil sa ibang dahilan na hindi ko mapangalanan ngayon.
Sinabi ko ang address ng apartment namin. Wala siyang sinabi pagkatapos. Kahit tango man lang. Biglang bumilis ang pagmamaneho niya. Napakapit ako sa seatbelt ko.
Kung makapagmaneho siya ay akala mo sa kanya ang daan. Na akala mo ay alam na alam niya ang pasikot-sikot dito sa Bayan ng Travia. May dinaanan pa kaming shortcut na ngayon ko lang nalaman.
Pagdating sa harap ng apartment, hindi muna ako lumabas. Lumingon ako sa kanya at pinakatitigan siya. Bahagyang kumunot ang kanyang noo habang nakatingin sa apartment.
"Uh... Thank you..." maliit na boses na sabi ko.
Nagpasalamat pa rin ako kahit wala akong ideya kung bakit niya ako hinatid. Kung may rason ba o trip niya lang. Mukha naman siyang hindi lasing. Ang bango bango nga niya dahil mula sa kinauupuan ko, amoy na amoy ko ang mamahalin niyang pabango.
"This is where you live?" he asked instead.
I nodded. "Oo. Kasama ko ang kapatid ko."
"You have a sibling?"
I nodded again, kahit nasa harapan pa rin ang paningin niya. "Little brother."
Sumulyap siya sa akin, kunot ang noo. "Pack your things and move to another safe apartment."
Ako naman ang napakunot ang noo. "Bakit? Safe naman dito, ah." Tiningnan ko ang harap ng apartment namin.
May mga tambay na nagtatakang tumitingin ngayon sa amin, o marahil sa sasakyan. Hindi kami kita dahil masyadong tinted ang black Corvette na ito.
Naisip niya bang hindi safe ang apartment na 'to dahil lang sa mga tambay sa harap at gilid ng apartment?
Wala naman kaming choice kung 'di ang manatili rito dahil mura ang renta.
"It's not safe here," he uttered coldly.
I looked at her and bit my bottom lip. "Concern ka sa akin?"
He slightly rolled his eyes at me. Sungit. "Whatever."
May tumakas na mahinang tawa sa bibig ko. "Thank you for the concern." He stared at me, his face was grim. Tinigil ko ang mahinang pagtawa. Hindi naman siya mabiro. Napanguso ako. "Ano... Uhm... Papasok na ako." Sobrang bilis ng ginawa kong paglabas sa Corvette niya.
Tumango sa akin iyong nag-iisang guard ng aming apartment. Pinagbuksan niya ako ng gate. Nararamdaman ko ang mga titig noong tambay sa akin.
"Ginabi ka ata masyado, Ma'am?" ngiting tanong sa akin noong guard, si Manong Baba.
Ginantihan ko siya ng ngiti. "Opo. May gig ako ngayon, e. Extra income na rin po."
May tumawag sa pangalan ko. Isa yata sa mga tambay. Lumingon ako at nakita iyong ex-boyfriend ni Ma'am Ellone sa aking harapan. Nakatingala kami parehas ni Manong Baba sa kanya dahil napakatangkad niya.
BINABASA MO ANG
Eyes On Me
Genel KurguThe Lionheart Brothers #1 "You are always looking at her. Just this time, please, look at me. Eyes on me."