[60] At My Worst & At My Best
Umupo kami sa buhangin, malayo sa hampas ng alon. Hindi niya binitiwan ang dalawang kamay ko. Nakatuon lamang ang mga namumungay niyang mata sa mga kamay kong hawak niya. Kinagat ko ang labi ko at hindi ko naman maalis ang paningin ko sa kanyang mukha.
I never expected to see this side of him because of me. The vulnerable, soft, broken, and wounded Raziel. This is all because of me. All because of me.
"Inaalala mo ba 'yong unang pagkikita natin?" basag ko sa katahimikan.
"Naaalala ko 'yong araw na iyon, Vivi. Hindi ko 'yon makakalimutan. I'm just sorting my thoughts," nakatungo niyang sagot.
"Oh. Sorry naman..." Napapahiya akong umiwas ng tingin.
Ilang beses niyang pinisil ang mga palad ko. Sinimulan niyang laruin ang bawat daliri ko. I started to feel cozy inside, especially in my stomach and chest.
"Those three years were too painful and sad for me," he started and I looked at him again. "I had to set aside my feelings for you."
Nagsimulang bumigat ang dibdib ko. Ito na... "I know."
"I made a decision of never ever telling you how much I love you unless I already forget Ellone entirely. Hanggat hindi pa ako nakakamove on sa pagmamahalan naming dalawa. Sa mga pinagsamahan namin. Sa mga what ifs at what would have been namin. It was so unfair to you. Half of what I said to you on that rainy evening was lie."
Umangat ang ulo mukha niya para tingnan kung anong magiging reaksyon ko. Tinagilid ko ang aking ulo at binigyan siya ng ngiti.
"Saan doon ang hindi totoo?"
"That I want you to leave me alone..." Nagsimulang manginig ang boses niya. "Ayokong iwan mo ako. Gusto ko habang nilalamon ako ng sakit, lungkot, at pagdadalamhati sa pagkawala ni Ellone ay nasa tabi kita. Nakikita. Nakakausap. Nahahawakan. Nayayakap. Nahahalikan..."
"Alam ko..." Tumango ako, may ngiti pa rin. "Ano pa roon?"
Gusto kong malaman kung alin doon sa mga sinabi niya noon ang hindi totoo.
"Na ayokong nakikita mo akong wasak na wasak," sabi niya sa mababang boses. "Vivi, the truth is, I wanted to bare my heart and soul to you. I wanted you to see all my darkest sides..."
"I've already seen all your darkest side. Lahat iyon... minahal ko..." sabi ko.
Napapikit siya at nilagay sa kanyang noo ang mga kamay kong hawak niya.
"Totoo ngang tinitigilan mo na ang pagtawag sa akin ng Raz. Sinunod mo talaga mga sinabi ko sa'yo noon..."
"Raz..." mahinahon kong tawag. "Raz. Raz. Raz. Raz..."
Nakita kong kinagat niya ang kanyang labi.
"That time, I needed your help to save myself. Hindi totoong gusto kong umalis ka sa buhay ko. Hindi totoong kaya ko nang wala ka sa buhay ko. Damn, wala akong pakialam kung hindi mo deserve ang isang katulad ko. Wala akong pakialam basta gusto ko mahalin mo pa rin ako kahit marami akong pagkukulang..."
Nanginig ang mga balikat niya. Nang makita ko iyon ay agad nag-init ang mga mata at lalamunan ko.
"Sinabi ko lang naman ang mga kasinungalingang iyon para ipagtulakan ka sa akin. It's for the better. Para sa'yo lahat ng ginawa ko, Vivi. Gusto ko kapag nagkita tayo ulit, parehas na tayong okay. Iyong wala nang hindrances. Walang Ellone at Levi sa pagitan natin," bulong niya. "Fuck. I sounded selfish."
BINABASA MO ANG
Eyes On Me
General FictionThe Lionheart Brothers #1 "You are always looking at her. Just this time, please, look at me. Eyes on me."