[9] Sadist
Agad naglaho ang init sa aking pisngi nang makita ang nakakalokong ngisi ng mga tambay sa aming harapan. Medyo lumayo ako sa dibdib ni Raziel at tumayo nang maayos, biglang kinabahan. Ang kamay niyang nakahawak sa aking kamay ay napunta sa braso ko.
Hindi sila pinansin ni Raziel. Kumuha siya ng iba't ibang pagkaing nakatusok sa stick at ibinigay roon sa matandang babaeng tinderang alerto sa maaaring mangyari.
"Kuya, nagugutom kami. Libre naman," sabi ulit ng mga tambay pero hindi sila pinansin ni Raziel.
Hilaw ang ngiting nagpaypay ang matandang tindera. Panay ang lunok ko dahil nararamdaman ko sa aking gilid ang namumuong tensyon sa mga tambay, naiinis dahil hindi pinapansin ni Raziel.
"What do you want, Vivi?" he asked.
Hindi pa ko nakakasagot ay naramdaman kong nasa tabi ko na ang mga tambay.
"Sungit naman po pala ni Kuya. Mayaman kasi! Isaw lang, hindi pa kami malibre? Isipin mo na lang na bayad mo iyon sa amin kasi hindi namin pinagdidiskitahan ang pang mayaman mong kotse kapag nakaparada rito."
Napakurap-kurap ako. May isang sumipol mula sa mga tambay.
"Vivi ang name mo, hindi ba?" sabi ng isang nakakalokong boses sa akin. "Palagi ka naming inaabangan dito sa labas, e. Ang ganda ganda mo. Kutis pang mayaman. Isang taon ka na rito pero hindi mo pa rin kami pinapansin. May boyfriend ka na ba?" halos maramdaman ko na ang hininga niya sa tenga ko.
Nagtaasan ang mga balahibo ko sa batok. Napasinghap ako nang hilahin ulit ako ni Raziel papunta sa likod niya. Isang impit na sigaw ang narinig ko galing sa mga tambay. Sinubukan kong sumilip upang tingnan ang nangyari at napahawak ako sa aking bibig sa gulat at takot.
May nakatusok na isang stick sa balikat noong tambay na bumulong sa akin kanina. Namimilog ang mga mata at bibig ng mga kasama niya habang nakatingin sa kanya, hawak-hawak ang balikat at namimilipit sa sakit.
Natigilan pati ang matandang babaeng tindera sa pagpapaypay.
"Raziel!" I said in horror.
Sinubukan kong lapitan ang lalaki upang tulungan ngunit mabilis ulit akong hinila ni Raziel sa tabi niya. Tiningala ko siya. Bahagyang nakakunot ang kanyang noo at naninigas ang panga habang nakatingin sa lalaki.
"Hayop ka!" nanggagalaiting sigaw noong lalaki.
"Raziel, bakit mo ginawa iyon? Bakit mo siya sinaktan?" natataranta kong tanong.
Ngunit hindi siya sumagot. Hindi siya nagsalita. Bumuntong hininga lang siya at tumalikod. Pumili ulit siya ng mga tusok-tusok na pagkain na para bang wala siyang nasaktan.
Pinilit kong kumawala sa hawak niya para tulungan ang lalaking tambay. Naririnig ko ang sigaw niya dahil sa sakit nang unti-unti niyang tinatanggal ang stick na nakabaon sa kanyang balikat. Mukhang napakalalim ng pagkakabaon ni Raziel doon. Tumulong na rin ang mga kasamahan niya sa pagtatanggal.
Napatalon ako sa gulat nang marinig ang isang tunog. Umalingawngaw ang alarm tone ng black Corvette ni Raziel. Hinanap ng mga mata ko iyon at nakita ang dalawang tambay na sinisipa at pinapalo ng isang manipis na kahoy ang mamahaling sasakyan ni Raziel.
Napanganga ako at hindi nakagalaw.
"Itigil niyo iyan!" sigaw kong agad nalunod sa ingay ng ginagawa nilang pagsipa at pagpalo. "Raziel!" Tiningala ko siya.
Tamad lang niyang tiningnan ang sasakyan niyang kinakawawa na ng mga tambay.
"Ayan! Napakayabang kasi! Kung nilibre mo na lang sana kami, hindi na nangyari iyan! Sige sirain niyo ang sasakyan niya!" puno ng galit na sigaw noong lalaking sinaksak ng stick ni Raziel.
![](https://img.wattpad.com/cover/117170921-288-k611279.jpg)
BINABASA MO ANG
Eyes On Me
General FictionThe Lionheart Brothers #1 "You are always looking at her. Just this time, please, look at me. Eyes on me."