[43] Let Me Kiss You

3.5K 98 33
                                    

[43] Let Me Kiss You


Dalawang araw ang nakalipas simula nang may mangyari sa amin ni Raz. Pumupunta siya sa apartment namin sa umaga para makisabay sa pagkain namin ng breakfast kahit pa nakakain na siya sa kanila. Sumasama rin siya sa akin sa trabaho. Nagpaalam na rin ako kay Ma'am Laurae na kailangan ko nang mag resign. Hingi ako nang hingi ng sorry dahil itong darating na weekend ay hindi na ako papasok. Wala man lang kasi akong ibinigay na two weeks prior notice.

Si Ma'am Laurae pa lamang ang may alam sa pagreresign ko. Wala pang alam sina Bianchi at Gelo. Ngayon ay susubukan kong magpaalam kay Ellone para mag resign sa kanyang grill bar and restau. Nitong nagdaang dalawang araw kasi ay wala siya.

Pagkatapos ng gig ko sa gabing ito, mabilis akong tumungo sa office ni Ellone. Nakita ko siyang dumating kanina habang kumakanta ako. Nakita ko ring nagkatinginan sila ni Raz nang ilang minuto. May kaunting kirot akong naramdaman sa aking puso pero hindi ko na lang pinansin iyon.

"Vivi!"

Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses ni Karin. Nilingon ko siya. Mapostura siyang lumapit sa akin.

"Karin..."

Umismid siya. "Anong nangyari?" Kumunot ang noo ko. Ano iyon? Tumikhim siya. "Nakita ko si Ma'am Ellone kanina, umiiyak siya sa office niya. Halos hindi na makahinga."

I pursed my lips together. Hindi ako nakasagot kaya nagpatuloy siya sa kanyang litanya.

"Dahil sa inyo ni Raziel, 'no?" medyo mapang-akusa ang boses niya. "Kung kaya ko lang kausapin ang isang katulad niya, matagal ko nang ginawa. Pero hindi ko kaya dahil naiintimidate ako masyado. Baka irapan lang ako niyan kaya ikaw na lang ang tatanungin ko."

Marahan ko siyang tiningnan sa mga mata. May isang maliit na ngiti ang kumawala sa aking labi. Akala ko galit siya sa akin? Bakit niya ako kinakausap ngayon? Binubully niya pa ako noon, hindi ba?

Nahalata kong nairita siya sa pag ngiting ginawa ko pero nagpatuloy pa rin siya sa pagsasalita.

"Sino ba talaga, Vivi? Sino ba talaga sa inyo ni Ma'am Ellone ang gusto ni Raz?" her voice laced in concern. "Ako ang nahihirapan sa sitwasyon niyo."

"Karin... hindi ba ay galit ka sa akin?"

Nabigla siya sa pag segue ko ng tanong. "Hindi ako galit. Naiinis lang ako."

"You bullied me."

"I'm sorry na, okay? Ganoon lang talaga ako but I still... care for you because you're my friend..." humina ang boses niya sa huling pangungusap. "Anyway, ako ang nagtatanong dito! Sagutin mo na lang!" Inirapan niya ako.

Huminga akong malalim bago siya sagutin. "Mahal ni Raziel si Ellone. Pero..." Napalunok ako.

"Pero ikaw ang gusto niyang makasama? Ganoon ba 'yon?" Tumaas ang kilay niya.

"Siguro nga... ganoon."

"Okay na sa'yo 'yon? Gusto ka niyang makasama pero hindi ka niya mahal?"

"He said he has a special feelings for me," I said. "At saka okay na sa akin iyon. Gusto niya akong makasama kahit hindi niya ako mahal kesa mahal niya ako pero ayaw niya akong makasama."

Natulala si Karin sa sinabi ko. Ngumiti ako sa kanya at saka ako nagpaalam na kailangan ko pang makausap si Ellone.

Isang katok ang ginawa ko bago ko marahang binuksan ang pinto sa kanyang office. "Ma'am Ellone?"

Walang sumagot. Nilibot ko ang aking paningin sa loob ng office niya. Nakita kong medyo nakaawang ang pinto ng cr. Rinig ko rin ang bukas na faucet. Sumilip ako sa awang ng pinto at natigilan ako sa nakita.

Eyes On MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon