[40] Revealing Feelings
Nagkaroon nang matagal na titigan sa pagitan ni Raz at ng kanyang ina. Naging mabilis ang tibok ng puso ko. Ramdam na ramdam ko ang tensyon sa pagitan nila. Sa huli ay marahang bumuntong hininga ang ina ni Raz.
"I will be in the guest room," sabi nito. "I'll be waiting for you, son."
"Maghihintay ka lang sa wala. Umuwi ka na, Mommy."
TIla walang narinig ang kanyang ina. Tumalikod lamang ito at umalis ng kwarto. Pagkasarado ng pinto ay suminghap si Raz at hinarap si Byron Lionheart. Mas lalong naging mabilis ang tibok ng aking puso dahil sa pagtaas ng kanyang boses.
"Bakit ka pumayag, Kuya?" kahit nakasigaw ay maririnig mo ang walang kapantay na respeto niya sa kanyang nakatatandang kapatid.
Ibang-iba sa turing niya sa kanyang ina. Sumikip ang dibdib ko.
Tinitigan ni Byron Lionheart si Raz diretso sa mga mata. "Kunin mo ang posisyon bilang presidente ng Lion Heart Corporation. That position suits you so well."
"Ayoko. Sa'yo ang posisyon na 'yan."
Matigas din pala ang ulo ni Raziel Lionheart.
"I'm still the Chairman of the Board. Dalawa ang posisyon ko sa kompanya natin. Ibibigay ko na sa'yo ang isa."
"I said, I don't want it!" Raz shouted like a child.
Dumilim ang mukha ni Byron Lionheart. Kinabahan ako bigla nang nanliit ang mga mata niya.
"Bakit ayaw mo?"
Parang huminahon si Raz nang makita ang ekspresyon ng kanyang kuya. Kinagat niya ang kanyang labi at nagbigay ng buntong hininga.
"I'm contented with being the strategist in our business. I'll just help our family behind the scene. I don't want power nor spotlight."
"Pero iyon ang gusto ng ina mo," medyo mariing sabi ni Byron.
Nagtagis ang bagang ni Raz. "Iyon ang kagustuhan niya. Hindi iyon ang kagustuhan ko. Buhay ko ito. Ako ang masusunod. At ayoko maging presidente ng LHC."
Binulsa ni Byron ang kanyang mga kamay sa pantalon. Isang beses siyang tumango bago ako tingnan sa tabi ni Raz. Nahigit ko ang aking hininga nang bigyan niya ako ng maliit na ngiti.
"I'm sorry if we disturbed you two. Continue what you were doing before we came."
What. The. Heck. So they knew what we were doing earlier!
Raz, surprisingly, chuckled. Nag-init nang sobra ang aking mukha sa kahihiyan. Iniwas ko ang aking tingin sa magkapatid. Gosh!
Lumabas si Byron Lionheart pagkatapos pa akong titigan nang ilang segundo, may maliit na ngiti sa kanyang labi. Pagkalabas niya ay tinakpan ko ang aking mukha.
"Nakakahiya! Nakakahiya!" paulit-ulit kong sabi.
"Anong nakakahiya roon?" natatawang asar ni Raz.
Parang kanina lang ay ang sungit sungit niya at sumisigaw noong kaharap ang ina at kapatid niya? Ngayon, puro tawa siya?!
"Baka iba ang isipin sa akin ng Mommy mo! Sa tingin mo, alam din niya ang ginagawa mo sa akin bago sila pumasok? Bakit kasi hindi naka-lock ang pinto mo?" naiinis kong sabi habang nakatakip pa rin ang aking mukha ng mga palad ko.
Naramdaman kong lumapit siya sa akin at niyakap ako nang patagilid. Bumulong siya sa tenga ko. Nagtaasan lahat ng mga balahibo ko sa katawan.
"Ano ba ang ginagawa ko sa'yo kanina bago sila dumating? Sige nga, sabihin mo sa akin." Sobrang lambing ng kanyang boses.
BINABASA MO ANG
Eyes On Me
General FictionThe Lionheart Brothers #1 "You are always looking at her. Just this time, please, look at me. Eyes on me."