[11] Vashti Iynaia

3.9K 110 36
                                    

[11] Vashti Iynaia


Natahimik ako sa sinabi niya. Narinig ko ang tunog ng sariling paglunok. He said I'm his fallen angel.

"You have nothing to say?" he asked.

"A-Ano bang dapat kong sabihin? Uh, thanks?" patanong kong sabi.

Pabagsak akong napahiga sa kama nang marinig ulit siyang humalakhak sa kabilang linya. Mabilis ang tibok ng puso ko.

"What are you doing?"

"Why are you chuckling?"

Sabay kaming napatanong sa isa't isa. Napangiti ako. Pinikit ko ang aking mga mata para sa paghahanda sa panibago niyang halakhak. Gusto kong damdamin nang husto ang once in the blue moon niyang halakhak.

He chuckled again. Hindi ko na napigilang mapamura. Narinig niya iyon kaya humalakhak na naman siya. Shit, Raziel. Masyado na akong nahahalina riyan sa halakhak mo.

"My fallen angel is cursing. Bakit?" natatawa niyang tanong.

"Bakit humahalakhak ka kasi? Hindi ka naman ganito, ah? Naninibago ako." Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi.

Tumikhim siya para magseryoso pero may tumakas pa rin na mahinang tawa sa kanyang bibig. And once again, I cursed.

"Stop cursing. I don't like it."

"Ikaw kasi, e. Hindi kaya ako palamura."

"Hmm... Hindi rin naman ako mahilig humalakhak. Ikaw kasi."

What the hell? Uminit nang husto ang pisngi ko. What's happening to you, Raziel? Parang kanina lang ay nagmamakaawa ka kay Ma'am Ellone at malapit ng umiyak, ngayon puro halakhak ka at pagbibiro?

Wait, nagbibiro ba siya o seryoso? I don't know!

I was already bitting my lower lip so hard. Para na akong nalulunod sa pakiramdam na ibinibigay sa akin ni Raziel. Halakhak palang niya, nagwawala na nang husto ang puso ko.

Namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Hindi na ako nagsasalita. Ganoon din siya. Natigil na rin ang paghalakhak niya. Tanging mga paghinga lang namin ang naririnig.

Hanggang sa bigla siyang magtanong na nagpadilat sa mga mata ko.

"Are you seeing someone else?" he asked in a low but steel voice.

"W-Wala. Bakit mo natanong?" nauutal kong sabi.

"What's the longest relationship you've ever been in, then?"

Napakurap-kurap ako. "Wala, Raziel. Hindi pa ako nagkakarelasyon. Wala akong panahon sa ibang lalaki bukod kay Vaan..."

"Anong tawag mo sa akin, kung ganoon? May panahon ka sa akin. Palagi kang nandiyan sa tabi ko," he teased.

"Iba ka syempre!" mabilis kong sagot, medyo tumaas ang boses.

Uminit agad ang pisngi ko sa naging sagot. Humalakhak na naman siya. Hay nako, Raziel. Papatayin mo ba ako? Para na akong uod na nilagyan ng asin kung gumalaw!

"Paanong iba ako? Sabihin mo sa akin, Vivi."

"Are you teasing me?" I accused him.

"Of course not. I'm just asking. Gusto ko lang malaman kung anong tingin mo sa akin."

Napatayo na ako at nagpalakad-lakad sa harap ng kama. Marahan ko ring pinapaypayan ang sarili gamit ang kamay. Ang init! Sobrang init sa pakiramdam!

Mabilis kong binuksan ang elecric fan at tumapat doon bago sinagot ang tanong niya.

"You need my company. You need ears that will listen to whatever you say. I can give you mine. Kahit magdamag tayong magtitigan lang, walang sinasabi sa isa't isa, at nakatunganga lang, kaya ko iyon basta para sa'yo. Sabi mo ay manatili lang ako sa tabi mo, hindi ba? Gagawin ko iyon, Raziel, kahit walang kapalit."

Eyes On MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon