[6] The Only One
Nakaawang ang aking bibig habang nakasunod lang kami ni Vaan kay Raziel tulak-tulak ang shopping cart. Sinusundan lang namin siya kung saan siya magpunta, napapabuntong hininga na lang kapag naglalagay siya sa shopping cart ng kung anu-anong matapat sa kanya.
Gusto kong umangal pero hindi ko magawa. Masyado akong nagulantang sa sinabi niya. I know he's almost living in our apartment. Doon siya kumakain, doon siya tumatambay. Kulang na lang ay doon siya matulog. Kung hindi kami aalis ni Vaan sa apartment ay hindi rin siya aalis. Kung walang pasok ang aking kapatid at wala akong trabaho, mananatili siyang tambay sa apartment namin.
Pagdating sa meat shop ay nagturo siya ng iba't ibang klase ng karne roon. Ang kapatid ko ay tumabi sa kanya at nakituro rin. Nakagat ko ang pang-ibabang labi sa hiya.
Nakayuko lang ako habang nakasunod kina Raziel at Vaan. Nakikituro na rin ang aking kapatid. Nakita kong kumuha rin sila ng mga canned beers. Marami pa silang nilagay sa shopping cart. Hiyang-hiya na ako.
Nang makuntento si Raziel sa mga kinuha niya ay nagpasya na siyang pumunta sa counter. Bumuga ako ng hininga at nauna sa kanila. Tinulungan ko silang maglapag ng mga kinuha sa counter habang ang cashier ay panay ang ngiti kay Raziel at sa aking kapatid. Iyong isang lalaking crew naman na naglalagay sa plastic ng mga pinamili ay tingin nang tingin sa akin.
Halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ang total price ng lahat ng mga pinamili ni Raziel. Makakailang sweldo muna ako sa coffee shop bago ko mabayaran ang lahat ng pinamili ngayon! Siguro ay sapat na ang apat na buwang pagtatrabaho ko!
Mahinang tumawa ang kapatid ko dahil sa naging reaksyon ko. Tumikhim ako nang inabot ni Raziel ang black mastercard niya sa cashier.
"Magkakasya ba ang lahat ng iyan sa apartment? Napakarami ng mga binili mo," sabi ko kay Raziel.
"What's the exact address of the apartment?" he asked instead.
"Bakit? Para saan?"
Kinuha niya ang mahabang resibo ng mga pinamili niya. Kinuha rin niya iyong ballpen na nakalapag sa counter saka ibinigay sa akin. Inabot ko iyon at sinulat ang address ng apartment kahit nagtataka.
Nang matapos magsulat ay ibinigay ko iyon sa kanya. Tumingin siya ulit sa cashier na malaki ang ngiti nang iabot pabalik ang black mastercard niya. Inilapag ni Raziel ang resibong may address ng apartment sa counter.
"Deliver these..." Tinuro ni Raziel ang maraming plastic bags na may lamang pinamili namin. "On that address."
"Uhm, sir, sorry po. Hindi po available ang delivery service namin. Inaayos po kasi ang mga sasakyang ginagamit."
Tiningala ko si Raziel. Hindi ko alam na pwede palang i-deliver sa bahay ang mga pinamili sa supermarket? Hindi kasi ako bumibili sa mga supermarket.
Kumunot ang noo ni Raziel. "I want these to deliver on that address. These bags won't fit in my car."
Wala na ang malaking ngiti ng cashier. Tumingin siya roon sa lalaking crew na naglagay ng mga pinamili sa loob ng plastic bags, mukhang nanghihingi ng tulong.
"Uh, sir, kung gusto niyo ay pwede namin itong i-deliver bukas. Paniguradong ayos na po ang mga sasakyang gagamitin," sabi noong lalaki.
Umiling si Raziel. "No. I want these..." Tinuro niya ang mga plastic bags sa harapan. "...to be delivered tonight."
"Raziel, okay lang kahit bukas. Isang plastic bag lang muna ang i-uwi natin para sa lulutuin natin ngayon. Bukas na bukas ay i-dedeliver naman nila ang mga ito," sabi ko pero hindi siya nakinig.

BINABASA MO ANG
Eyes On Me
Algemene fictieThe Lionheart Brothers #1 "You are always looking at her. Just this time, please, look at me. Eyes on me."