[27] Selfish Vivi

3.6K 109 14
                                        

[27] Selfish Vivi


Pagkatapos marinig ang sinabi ni Raz, mga pisngi ko naman ang namula.

"H-Huh?" Papikit-pikit akong tumingin sa kanya.

Ang weird sa pakiramdam na nagpapaalam siya sa aking hahalikan niya ako. Noon ay bigla-bigla na lang niyang idadampi ang labi niya sa akin nang walang pasabi. Tapos ngayon, dahil sa sinabi ko kanina, nagpapaalam siya?

He's considering my feelings.

Hinawakan niya ang pisngi ko gamit ang isang kamay. Ang isang kamay niya ay nanatili sa aking baywang. My throat felt dry right now. Mas lalong tumindi ang antipasyong nararamdaman ko sa aking sistema sa susunod niyang gagawin.

"Hahalikan kita..." dahan-dahan niyang sabi. "Pwede ba?"

"Ang kilala kong Raziel, gagawin na agad ang gusto niya nang walang pasabi," sabi ko, medyo nahihiya.

Tumawa siya. Tumindig ang balahibo ko nang maramdaman ang mainit niyang hininga sa mukha ko.

"At ang kilala kong Vivi, tahimik lang na susunod sa gusto ko."

Parehas kaming natawa. Maya maya lang ay bigla siyang nagserysoo at tumingin sa labi ko. Kinagat ko iyon dahil naiilang ako sa paraan ng pagtingin niya sa labi ko. Umiwas siya ng tingin doon at mabigat na bumuntong hininga.

Hinawakan ko ang mga pisngi niya at sinalubong ang mga mata niya. Hindi ako makapaniwalang walang bakas ng lungkot at sakit doon na nakasanayan ko na simula nang makilala ko siya. Nakaramdam ako ng saya. Dahil ba iyon sa akin? Dahil ba nandito ako sa harap niya? Ako ba ang dahilan kung bakit napawi ang sakit at lungkot niya?

If that's the case, then, I'll be really glad.

He suddenly caressed my bottom lip using his thumb. Ang mga mata niya ay nakatitig ulit doon, parang kinakausap ang labi ko.

"I'm one hella lucky bastard to deserve an angel like you."

"Grabe ka. Hindi naman ako angel. Masyado kayong exaggerated ni Jagger."

"Anghel ka sa paningin ko, Vivi. Nandiyan ka palagi sa tabi ko kahit anong mangyari. Tinitiis mo ang ugali kong hindi kagandahan. Pinagbibigyan mo ako sa lahat ng gusto ko. You're making me forget all the sad, painful, and dreadful things that's been running in my head. And I thank you for that."

Ewan ko pero gusto kong maiyak sa mga litanya niya. Nag-init hindi lamang ang mga mata ko, pati ang puso kong sobrang lakas ng kabog. Napapikit ako kasi nayayanig na ang buong katawan ko sa malakas at walang awang kabog sa aking dibdib. Nahihiya ako. Baka kasi marinig niya iyon. Ano na lang ang sasabihin ko? Anong idadahilan ko?

Uhm, Raz, ikaw kasi... masyado mo akong pinapasaya kaya ayan ang puso ko, halos mabaliw na sa aking dibdib!

Habang nakapikit ako, naramdaman ko na lang na gumalaw ang kanyang mukhang hawak ko at bigla niya akong pinatakan nang napakarahang halik sa aking noo. Bumaba ang labi niya patungo sa ilong ko at doon naman niya ako hinalikan. Suminghap ako nang maramdamang pababa na ang labi niya kung saan ang bibig kong nakaawang.

Nabigo ako nang humilay siya sa akin. Naiwan sa ere ang dalawang kamay ko. Dumilat ang mga mata ko. Nakitaan ko ng iritasyon ang mukha niya habang tinititigan nang masama ang bulsa ng pantalon ko.

Malakas at nakakarindi kasing tumutunog ang cellphone ko dahilan para hindi matuloy ang paghalik niya sa labi ko. Gusto kong matawa. Gusto ko rin madisappoint. Pero mas pinili ko na lamang manahimik dahil baka ako ang pagbuntungan niya ng iritasyon.

Kinuha ko ang cellphone ko. Nakita kong si Juno ang tumatawag sa akin.

"Is it Vaan?" he asked. Umiling ako. ""Who's calling you at this hour?" medyo pagalit niyang tanong.

Eyes On MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon