[58] Final Decision

3.9K 96 12
                                    


[58] Final Decision


Pagmulat pa lamang ng mga mata ko'y hinihintay na ako ng personal driver ni Levi na siyang tauhan ni Raziel. Hindi pa ako nakakaligo at nakakakain pero niyayaya niya na akong umalis.

"Saan tayo pupunta?" mariin kong tanong.

I let my guard down since he's one of the Lionhearts' men. Hindi kagaya noong mailap ako sa kanya dahil pakiramdam ko'y palagi siyang nakabantay sa mga ginagawa ko.

"May usapan kayo ni King Byron ngayon." Ngumiti siya.

Kumunot ang noo ko. "Ano iyon?" Napaisip ako sa sinabi niya pero hindi pa nagtatagal ay napapikit ako nang maalala.

Ang sagot sa tanong niya kahapon sa akin.

Hindi ko na ba talaga gusto si Raziel sa buhay ko? Hahayaan ko bang lumaki ang anak kong walang kumpletong pamilya?

I let out a long sigh. "Wala pa akong sagot sa tanong niya." Dumilat ako at tiningnan siya.

Pag-uwi ko sa bahay kahapon ay umiyak lang ako nang umiyak sa kwarto. Hindi ako makapag-isip nang maayos dahil nangunguna ang sakit sa dibdib ko. Hindi ko kaya maging rational.

"May sagot ka na kahapon. Sabihin mo na lang ulit sa kanya iyong sagot na 'yon. Na ayaw mo na si Sir Raziel sa buhay mo. Tapos." Mas lalong lumaki ang ngiti niya.

Umismid ako at umiwas ng tingin. Nakita ko sa gilid ng aking mata ang pagtagilid ng kanyang ulo.

"Nagdadalawang isip ka na?" tanong niya pa. "Bakit hindi kayo mag-usap ni Sir Raziel nang kayong dalawa lang? Bigyan mo siya ng chance. Everybody deserves a chance, you know..."

"Natatakot ako..." mababang boses na sabi ko.

"Natatakot ka? Eh, nagmahal ka, Miss. Kaakibat ng pagmamahal ang takot at sakit. If you're not brave enough to fight for your love, then, don't fall in love in the first place."

Binalingan ko siya ng tingin, medyo nakanganga ang bibig dahil sa sinabi niya. I can't believe he said that!

"Who are you exactly?" I asked.

He bowed to me majestically. I stopped breathing in anticipation. "I'm Cain from Assassination Division under in the direct command of Sir Irvine Lionheart, Miss." He chuckled.

Napaatras ako. "What? Assassination Division?!"

Sinabi niya iyon sa nagbibirong tono kaya hindi ko alam kung paniniwalaan ko siya o hindi!

Lumapit siya sa akin para bumulong. "Kapag pinakasalan mo si Sir Raziel at naging isang Lionheart ka, malalaman mo ang lahat ng tungkol sa pamilya Lionhearts. Their dark sides, their businesses, their hidden and true personalities, and such." He chuckled languidly. Lumayo siya sa akin. "Halika na, Miss. Hindi magandang ideyang paghintayin si King Byron."

Napasama tuloy ako sa kanya nang walang sa oras at wala pang ligo at kain dahil masyado akong nagulat sa sinabi niya!

Tahimik lamang si Levi nang umalis kami ni Cain sa bahay. Nakatingin kami sa mga mata ng isa't isa habang palabas ako. Mukhang alam niya na kung saan kami pupunta.

Bumuka ang bibig ko upang tawagin siya pero agad siyang tumalikod. Umakyat siya ng hagdan.

"Don't worry about him, Miss. Alam niya ang lahat ng kilos ko. Alam niya kung saan kita dadalhin," sabi ni Cain nang makita niyang lukot ang mukha ko dahil kay Levi.

"Bakit hindi ka pa niya pinapaalis? Isa kang spy!"

"Spy?" He chuckled again. "Hindi niya na ako magiging personal driver kapag kinasal ka na kay Sir Raziel. Iyon ang kasunduan. Kaya habang nandito ka sa puder niya, mananatili ako rito."

Eyes On MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon