[18] Of Course

3.5K 111 15
                                    

[18] Of Course


The last time I saw Raziel was the day he first met with Ma'am Ellone's fiance. Days after I promised him I would always stay by his side, I didn't see him. Hindi siya pumunta sa apartment, sa coffee shop, kahit sa grill bar and restaurant.

I wanted to visit him at the Lionheart's mansion but Vaan wouldn't even let me. Napagdesisyonan ko rin na hayaan muna si Raziel. Baka nagmumukmok lamang iyon sa loob ng kwarto niya, naglalaro ng chess, at nag-iisip ng gagawin niya sa engagement party ni Ma'am Ellone.

Sa totoo lang, ayoko ng iniisip niya. Kaso sino ba naman ako para pigilan at pagbawalan siya? Ang pinangako ko lamang sa kanya ay mananatili ako sa kanyang tabi. At isa pa, gusto ko na siya maging okay at masaya.

Si Ma'am Ellone lang ang susi sa lahat ng iyon.

"Ate, saan ka pupunta? Bakit parang bihis na bihis ka? Wala kang gig ngayon, ah?"

Nakasuot ako ng isang magandang pulang dress. Ito na ata ang pinaka magandang nasuot kong dress simula noong nagtrabaho ako sa grill and bar restaurant. Naglagay din ako ng make-up sa aking mukha. Hindi ako mahilig maglagay nito kaya ngayon ay nagtataka si Vaan dahil ayos na ayos ako.

Nagtataka akong sinuri ng tingin ng aking kapatid. Pasimple akong lumunok ng laway. May namuong kaba sa akin.

Hindi ko sinabi sa kanyang pupunta akong engagement party ni Ma'am Ellone bilang singer. Kapag sinabi ko iyon, marami pa siyang itatanong. At mapupunta kami sa mga bisitang dadalo. Alam kong hindi niya ako papayagan. Kung maaari nga ay ikukulong niya ako sa loob mismo ng kwarto niya upang hindi ako makalabas.

I'm digging my own grave by attending the engagement party, I know. But I did promise Raziel to stay by his side. He will surely need me there.

"May pupuntahan lang akong birthday party," I lied which is not so me.

I'm really sorry, Vaan.

Matagal bago siya tumango. "Okay. Ihahatid kita, Ate. Gabi na rin. Sa labas na lang ako kakain ng dinner. Sino ba ang may birthday? Kilala ko ba ang kaibigan mong iyan?"

Mabilis akong umiling dahilan para magkasalubong ang kanyang kilay. "Hindi na kailangan. Iluluto na lang kita ng makakain ngayong gabi. Dito ka lang sa apartment at mag-aral mabuti."

Hindi ko na siya binigyan ng oras para tumanggi. Pumunta akong kusina para ipagluto siya ng pagkaing mabilis iluto.

"Ate, kaya ko naman! Hindi na ako bata! Sige na, umalis ka na! Ako na magluluto! Lagi mo na lang inuuna ang iba! Tsss!" iritado niyang sabi pagkatapos sumunod.

I was feeling so guilty when I leave the apartment. Ang dami pa niyang bilin sa akin na huwag akong magpapagabi masyado. Huwag makikipag-usap kung kani-kaninong lalaki. Kung walang maghahatid sa akin dito ay itext ko raw siya at susunduin niya ako.

He's the sweetest brother. Mapait akong ngumiti. Kapag nalaman niyang nagsinungaling ako sa kanya, paniguradong magagalit iyon.

Sa baba ng apartment ay naghihintay ang sasakyan ni Juno. Magkasabay kaming pumunta sa hotel kung saan gaganapin ang engagement party. Nagpumilit siyang sunduin ako sa apartment kahit na ang dapat ay sabay-sabay kaming mga singers na pupunta.

Naasiwa ako sa paraan ng kanyang pagtingin nang makakaba ako. He was looking at me like he wanted to devour my soul!

"You look really beautiful and stunning, babe." Pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger seat.

Awkward akong ngumiti. "Salamat."

"Iba ang ganda mo, e. May pagkakahawig kayo ni Ellone pero kahit pinsan ko iyon, mas maganda ka talaga. May lahi ka ba? Spanish?"

Eyes On MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon