[54] Scar
Inayos ko ang aking itim at mahabang buhok na umaabot na hanggang baywang. Kinapa ko ang aking noo dahil hindi ako sanay na walang side bangs.
"You ready?"
Napatingin ako kay Levi dahil ang lapit lapit ng mukha niya sa akin.
Ngumisi ako pero sobrang lakas ng tibok ng puso ko. "I'm nervous."
"It's been three months since you've debuted. Kinakabahan ka pa rin?"
"Sa'yong party ito matapos maging highest grossing ang film mo! Kinakabahan ako kasi iba't ibang sikat na tao ang makakasalamuha ko..."
His brow shot up. "Sikat ka rin naman."
"Pero baguhan pa lang ako sa industriyang 'to." Ngumuso ako.
Kinuha niya ang kamay ko at pinisil iyon. Medyo kumalma ako at naging mahinahon ang tibok ng puso ko.
"Don't be nervous. I'm here. I'm always here," he mumbled.
Ayaw magpapigil ng labi ko sa pag ngiti. "Thank you. Levi, thank you kasi nandiyan ka pa rin sa tabi ko kahit hindi kita pinakasalan. Thank you kasi kahit may anak na ako sa ibang lalaki, inaalagaan at tinutulungan mo pa rin ako. Thank you kasi pinapatuloy mo pa rin kami sa bahay mo kahit wala ka namang obligasyon sa akin."
Mariin kong kinagat ang labi ko nang magsimula akong maging emosyonal. Bumuga ako ng hangin nang maramdaman kong nangilid ang aking mga luha.
"Hayaan mo, kapag nakaipon talaga ko, babawi ako sa'yo. Aalis kami sa bahay mo kapag nakabili na ako ng sariling bahay. Baguhan pa lang ako sa pagiging sikat na singer kaya medyo mababa pa ang talent fee ko." Tumawa ako para pagtakpan ang panginginig ng aking boses.
Nagulat ako nang bigla niyang halikan ang noo ko. I stared at him, flabbergasted. "I bought that house for you. Pwedeng-pwede ka roon tumira kahit kailan at kahit sa anong sitwasyon."
Nakita kong napasulyap ang personal driver ni Levi na nasa driver's seat. Mabilis akong dinapuan ng hiya.
"Basta, thank you!" mabilis kong sabi, pinipilit tapusin na ang topic dahil nakikinig ang driver niya.
He smiled a little. "Don't thank me. That's how I want to love you. Gusto kong ibigay sa'yo ang lahat-lahat kahit hindi mo ako mahal. You deserve to be loved. Iyong ikaw lang at walang kahati."
"Levi..." Napalunok ako.
Sumeryoso ang kanyang mukha. His eyes were darker than black now. Inabot niya ang aking pisngi at hinaplos iyon. Ramdam na ramdam ko ang nakakatusok na tingin ng kanyang driver. Hindi ko tuloy alam kung saan ko itutuon ang buong atensyon ko. Kay Levi ba o sa driver niyang nakikinig!
"Ayaw ko nang ipilit ang sarili ko sa'yo..." dagdag niya pa sa mababa at medyo garalgal na boses.
"Y-You're a good friend..." nahahapo kong sabi.
Ano ba 'tong pinagsasabi ko? Levi's expressing his feelings right now pero hindi ko magawang ibigay sa kanya ng buo ang aking atensyon dahil sa kanyang driver! Alam kong bagong hire lang siya dahil ngayon ko lang siya nakita. Ang alam kong personal driver ni Levi, may katandaan na. Ito, mukhang kasing edad ko lamang.
"Good friend?" Umiling siya pero may maliit na ngiti pa rin sa labi. Agad akong ginapangan ng guilt. "That hurts."
Napasulyap ulit ako sa driver ng bigla itong tumawa. Naging blangko ang mukha ni Levi.
BINABASA MO ANG
Eyes On Me
General FictionThe Lionheart Brothers #1 "You are always looking at her. Just this time, please, look at me. Eyes on me."