[35] 8.2 Seconds

3.5K 98 20
                                    

[35] 8.2 Seconds


8.2 seconds.

The study says that it only takes 8.2 seconds to fall in love. It is less than 10 seconds.

Sobrang bilis.

Hindi pa napagtatanto ng isipan mong mahal mo ang isang tao, alam na agad ng puso mo iyon. Hindi pa lumalagpas ng sampung segundo, alam na agad ng puso mo kung para kanino ito tumitibok.

Bumalik ako sa panahon kung saan unang beses nakita ng mga mata ko si Raziel. Hindi man ganoon kaliwanag ang buong bar pero nasuri agad siya ng mga mata ko. Umiyak agad ang mga mata ko para sa kanya. Sa unang beses na naghinang ang mga mata namin, doon pa lang, nahulog na ako nang hindi namamalayan.

Ang init ng mga kamay niya sa aking mga palad ay kapantay ng init na nararamdaman ko sa aking puso. Nakapagdesisyon na ako. Kailan man, alam kong hindi ko mapapalitan si Ellone sa puso ni Raziel. O kahit ang mapantayan man lang. Hindi. Hinding-hindi.

Mahal ko siya pero hindi ko ipipilit ang sarili ko sa kanya.

Mananatili ako sa tabi niya, hindi dahil nangako ako, kung 'di dahil gusto ko. Kung 'di dahil mahal ko siya at gusto ko siyang pasayahin kahit pa hindi ako ang dahilan ng kasiyahan niya.

I will burn the sadness in his eyes. I will bring him the happiness he deserves. I will give Ellone to him.

Ngumiti ako nang mapait habang gumagalaw ang mga kamay namin para tugtugin ang kantang pinaka paborito ko sa lahat.

Nag-init ang mga mata ko. Titig na titig ako sa mga kamay naming gumagalaw. Sumakit ang lalamunan ko.

"You know how to play piano?" he asked and immediately stopped playing my favorite song.

Namahinga ang mga kamay ko sa taas ng mga kamay niya. Dumagundong ang dibdib ko sa kaba dahil sa naging tanong niya. May mga alaalang bumalik sa akin. Mabilis gumapang ang takot sa sistema ko.

I don't want to lie but I don't have the guts to answer his question.

Bigla niyang hinawakan ang dalawang kamay ko. Hinimas-himas niya iyon. Nakatingin lang ako sa ginagawa niya, kabadong-kabado.

"These are the hands of a pianist," he concluded.

Sabay kaming napatingin sa mga mata ng isa't isa. Mapait akong umiling pero hindi ko maisatinig ang iniisip na pag-apila sa sinabi niya.

"I promise to myself I would never play piano again," I said instead.

He looked at me curiously. "Why?"

"It brings back so many painful memories to me when I play it."

"I'm sorry. I don't know." Parang napapaso niyang inilayo ang mga kamay kong hawak niya sa piano.

Napangiti ako. He's snobbish, moody, dark, and mysterious. But he's a total sweet, sensitive, and careful man.

"Okay lang, Raz. Hindi mo naman alam. At kung alam mo man at gusto mo akong tumugtog, hindi ako magagalit pero hindi ko rin siguro mapapaunlakan ang gusto mo."

He sighed heavily and held my hands tighter. Nakangiti ako habang nakatingin sa kanya. Hindi niya naman magawang ngumiti.

"Ang sabi ko, it's fine if you don't want to tell me things about your life—your past, that is. It's your choice. But I want to know more about you. Tell me. You can tell me everything, even if your darkest secret," he said tenderly that soothed my aching heart.

"I want to know more about you, Raz. Marami rin akong gustong malaman sa'yo kaso natatakot akong magtanong. Pakiramdam ko'y wala akong karapatan."

Dahan-dahan ay hinatak niya ako palapit sa katawan niya. Bumagsak ako sa kanyang dibdib. Siya mismo ang nagpaikot sa mga braso ko sa kanyang baywang. Tumingala ako upang tingnan siya.

Eyes On MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon