[21] Bet

3.5K 116 27
                                    

[21] Bet


Iyak na ako nang iyak. Hikbi nang hikbi. Hindi ako makapagsalita nang maayos dahil humahagulgol na ako.

"N-Nag-aaral po si Vaan sa isang public university rito, Auntie. A-Ako na lang po ang babalik. D-Dito lang po siya."

"Then, let's transfer him to a most prestigous university in our place. He's part of the Azcarraga family and he's attenting a public university? Ridiculous!" Binuksan niya ang kanyang pamaymay at nilagpasan ako upang lumabas sa suite room. "I need you to come back, asap, Vashti. Para mapag-usapan na rin ang kasal niyo ni Levi."

Mariin akong pumikit at hinayaang lumandas nang napakabilis ang mga luha ko. Coming here was a big mistake. But whenever I remember the sadness and brokeness in Raziel's eyes, naiisip kong isang magandang ideya ang pumunta rito at suportahan siya.

Makita lang niya akong nandito, kahit walang ginagawa, isang malaking bagay na sa kanya. Iyon ang sa tingin ko.

Umupo ako sa queen sized bed at doon nag-iiyak. Pinipilit kong punasan ang mga luha ko ngunit patuloy pa rin ito sa paglandas nang mabilis sa aking pisngi.

Isang tunog ng pagbukas at pagsarado ng pintuan ang narinig ko. Suminghap ako at mas lalong pinag igihan ang pagpupunas ng luha.

"No need to stop your tears. Ilang beses ko nang nakita 'yan kapag pinagmamalupitan ka niya. Sawa na ako. Pwedeng 'yong masayang mukha mo naman ang ipakita mo sa akin?"

I stopped wiping my tears away and sobbed so hard in front of Levi.

"W-What should I do, Levi? I don't want to come back to the mansion..."

"Marry me and you won't be coming back to that mansion again. Live with me. Spend your remaining life with me. Grow old with me, Vashti." Lumuhod siya sa aking harapan ko na siyang kinagulat ko. Kinuha niya ang mga kamay ko at hinawakan iyon. "Use me. Use the Kaiser."

"Hindi ako manggagamit ng tao, Levi! Hindi! Ayoko! Lalo na ang pamilya mo! No!" mabilis kong apila.

Nanigas ang kanyang panga na para bang napupuno na siya sa katatanggi ko sa mga sinasabi niya. Tinikom ko ang aking bibig.

Bumuga siya ng hangin at tumayo. "I'll prepare a warm bath for you."

Sinundan ko siyang pumasok sa isang pintuang tingin ko'y banyo. Tumayo ako. Tiningnan ko ang aking sarili sa salaming nasa cabinet sa aking harapan.

I looked like a mess. Kumalat na ang makakapal kong eyeshadow at eyeliner.

Lumabas si Levi. His face was emotionless again. He checked me out, from head to toe. Lumunok ako at nailang.

"Lalabas lang ako at kukuha ng bagong dress para sa'yo. Magdadala rin ako ng make-up artist na nasa baba. Lock the door and never open it unless it's me."

Dahan-dahan akong tumango. Pagkalabas niya ay pumasok ako sa banyo at nakita kong may maligamgam na tubig na sa bathtub. Tinanggal ko ang aking dress at lumublob doon. Pumikit ako at pinigilang mag-isip nang kung anu-ano para hindi na muling umiyak.

Isang katok ang nagpamulat sa aking mata. Nakaidlip pala ako habang nakababad sa maligamgam na tubig. Sa ilang minuto kong pagbabad dito, nagawa nitong pakalmahin hindi lamang ang aking katawan, pati na rin ang aking puso't isipan.

Nang matapos kong ibalot sa bathrobe ang aking katawan, binuksan ko ang pinto. Levi tossed the key card in the bed.

"Is this your room?" I asked.

Hinubad niya ang kanyang coat. "Yeah."

Naglakad ako at umupo sa kama upang punasan ang basang buhok. Tiningnan ko ang isang malaking paper bag sa tabi ko.

Eyes On MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon