[22] Doesn't Matter
Hirap man, nagtagumpay akong alisin ang aking paningin sa buong Lionheart Brothers. Natagpuan kong magkaharap na sina Raziel, Ma'am Ellone, at Accel. Natigilan na rin ang lahat dahil sa panibagong eksena sa harapan.
Jagger slightly tapped my shoulder. Tumingin ako sa kanya. "Go, Fallen Angel. I want someone like you for Raz. Ayoko kay Ellone kahit mabait at mukha rin siyang anghel. Sinasaktan niya ang kapatid ko." Kahit may ngisi ay nakitaan ko ng galit ang mga mata niya.
"It's not intentional. Napipilitan lang si Ma'am Ellone na saktan si Raziel dahil iyon ang kailangan. Hindi sila pwede," sabi ko sa maliit na boses.
"May dahilan kung bakit hindi sila pwede maliban sa isang Rejante si Ellone." Makahulugan niya akong tinitigan sa mga mata. Napalunok ako. "Nandito ka kasi."
Umawang ang aking labi, gulat sa sinabi niya. "H-Hindi rin kami pwede."
"And why not?" Tumaas ang kilay niya.
Tipid akong ngumiti. "Nandiyan si Ma'am Ellone..."
He stared at me like I've said something he didn't expect. Nang makabawi, tumawa siya. Tinapik niyang muli ang aking balikat.
"Puntahan mo na si Raz. Kailangan ka no'n."
Sabay kaming tumingin muli sa harapan. Lahat ng atensyon ay nasa kanila. Ang iba'y natutuwa sa 'di ko malamang dahilan. At ang iba naman ay seryoso lamang na nakatingin.
Sumisikip ang dibdib ko habang hinihintay ang lalabas sa kanilang mga bibig. Parang nasa isang shooting kami ng telenovela at sila ang mga artista. Ako... nasa sideline lang at walang karapatang makisali kahit pa ilang beses na akong inuudyok ng katabing si Jagger.
"Raz..." nanghihinang sabi agad ni Ma'am Ellone.
Mas lalong sumikip ang dibdib ko. Nahihirapan akong huminga.
I wanna call him Raz, too.
Hindi nagsalita si Raziel. Nanatili siyang nakatingin nang diretso kay Ma'am Ellone. Blangko ang mukha ngunit alam ko, nahihirapan at nasasaktan siya sa sitwasyong ito.
Nilagay ni Accel sa likod niya si Ma'am Ellone bilang protekta sa maaaring gawin ni Raziel.
"Anong kailangan mo sa fiancee ko?" nakakalokong tanong nito. Kumuyom ang aking mga kamao. "Gagawa ka ng eksena sa mismong engagement party namin? Kung sabagay, ganyan naman kayong mga Lionheart. Mahilig gumawa ng gulo. Mga problema kayo! Murderer!"
What the?
Lumaki ang mga mata ko at napatingin sa mga Lionhearts. They were unbelievably calm! Nakaupo sila na para bang hindi naapektuhan, walang narinig!
Ako ang naaapektuhan para sa kanila.
Hindi siya pinansin ni Raziel ngunit si Ma'am Ellone ay halos hatakin na palayo si Accel. "Ano ba, Accel?" pagalit niyang pigil dito.
"Naiinis ka? Nagagalit? Naiinggit? Kasi ikakasal na kami ng babaeng mahal mo?" pang-aasar pa nito.
"Accel!" pahiyaw nang sabi ni Ma'am.
Mariin akong pumikit. Hindi pa rin siya nagbabago! He's just so...
"What an asshole," Jagger commented. "Pasalamat siya hindi palapatol ang kapatid ko. Siya lang ang maiinis sa ginagawa niya. Hindi siya papansinin ni Raz."
"Ell..." baritonong tawag ni Raziel.
Napadilat ako dahil nagsalita na rin siya sa wakas.
Ma'am Ellone looked at him, she was about to cry any moment. "Raz, please. Huwag kang manggulo sa engagement p-party ko," pumiyok ang boses niya.
BINABASA MO ANG
Eyes On Me
Fiction généraleThe Lionheart Brothers #1 "You are always looking at her. Just this time, please, look at me. Eyes on me."