[3] Raziel

5.4K 148 53
                                    

[3] Raziel


Hindi pa rin ako makapaniwalang may psychopath sa pamilyang Lionhearts. I'm not a judgmental person but I'm just so shocked. Base kasi sa mga narinig kong kwento mula kina Bianchi at Ma'am Laurae, mukhang perpektong pamilya ang mga lionhearts. Kahit pa sabihin nilang mga sadista ito.

Hindi naman sa sinasabi kong mali at hindi maganda ang magkaroon ng isang psychopath na kapamilya... Hindi. Hindi ganoon.

Tumingin ako sa ex ni Ma'am Ellone habang pabalik sa counter pagkatapos mag serve sa mga customers. Nakasandal siya sa bean couch habang nakatitig sa kapeng inorder niyang nasa mesa. Hindi niya pinapansin ang mga titig sa kanya ng ibang babaeng customers, lalo na si Bianchi na nasa harapan niya lang. Namumula pa ang mga pisngi niya.

Sino kaya sa kanila iyong psychopath? Gusto kong makilala. Gusto kong makausap, hindi para i-judge o ano pa man. Alam ko kasing mahirap ang pinagdadaanan ng mga taong ganoon. Gusto kong sabihin sa kanyang kung may mga taong ilag sa kanya o may bahid ng takot at pagkailang kapag kausap siya, ako, iba ako. Handa ako maging kaibigan niya kung sakali.

Hindi ko namalayang tumagal na pala ang titig ko sa ex ni Ma'am Laurae kung hindi pa ako siniko ng aking kapatid na nakanguso. Ano ba kasi ang pangalan niya nang sa ganoon ay matawag ko siya nang maayos?

"Kanina ka pa tumititig sa kanya, Ate. Crush mo?"

Medyo nag-init ang mga pisngi ko sa tanong ni Vaan. Sinulyapan ko iyong ex ni Ma'am Ellone at nakitang ganoon pa rin ang posisyon niya. Mukha namang hindi niya narinig ang sinabi ni Vaan. Sobrang lapit pa naman namin. Nasa harapan lang niya kami.

Wala lang siguro siyang pakialam sa kanyang paligid.

"Hindi, ah. Curious lang ako," sagot ko.

"Diyan nagsisimulang tumubo ang feelings para sa isang tao, Ate. Tigilan mo na ang macurious sa lalaking iyan..." Umiling siya sa akin. "Ingat ka," iyon lang ang sabi niya bago bumalik sa pagtatrabaho.

Dahan-dahan akong lumunok habang tinatanaw ko ang aking kapatid na tipid na ngumingiti sa mga customers namin. Hindi nakatakas sa aking paningin ang pagpula ng pisngi at pagkagat ng labi ng mga babae sa tuwing ngumingiti at nagsasalita si Vaan sa kanila.

I can't blame them, though. Vaan has this angelic vibe around him. Bukod sa mala-anghel niyang mukha ay ganoon din ang boses niya. Mababa, malumanay, mahinhin, at inosenteng boses.

Kapag kausap mo siya, kahit gaano pa kasama ang mood at pakiramdam mo, gagaan ang loob mo.

Bumaling ako sa ex ni Ma'am Ellone at tumalon ang puso ko nang makitang sa akin na siya nakatingin. Isa lang ang nakikita kong ekspresyon sa kanyang mukha. His famous grim expression was engrave on his beautiful face.

Agad nag-init ang pisngi ko sa papuring ginawa sa kanyang mukha. Hindi ko na lang pinansin ang nakakapanghina niyang titig at bumalik na sa trabaho. Panay ang sulyap ko sa kanya dahil kahit malayo ay nararamdaman ko ang titig niya sa bawat kilos at galaw ko. Nawawala ako sa sarili dahil doon. Kahit pa ilang beses ko na siyang nahuling pinapanood ang bawat galaw ko, hindi pa rin niya binibitiwan ang pagtitig sa akin.

Hindi ba siya nahihiyang nahuhuli ko siyang titig na titig sa akin? Aware ba siyang pinapanood niya akong magtrabaho? Alam ba niyang naiilang ako sa ginagawa niya?

Napagod ako hindi dahil sa trabahong ginawa, kung di dahil sa titig niya. I'm restless. Dang. All because of his stares!

Kagat-labi ko siyang nilapitan pagkatapos kong makapagpalit ng damit at kunin ang aking bag sa locker room. Tumingala siya sa akin at tumayo. Tumigil ako sa paghinga sa ginawa niya.

Eyes On MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon