[10] Fallen Angel
Isang pamilyar na boses ang narinig ko sa kabilang linya.
"Who's this?"
"It's Ellone." Isang malalim na buntong hininga ang ginawa niya. "I have a favor. Can you come here, please? Raz needs you. Please, Vivi..." nahihirapan niyang sabi sa kabilang linya.
Kumalabog ang puso ko sa pagbanggit pa lang ng pangalan ni Raziel. Hindi ko siya nakita buong araw ngayon.
He needs me?! Anong nangyari?!
"Juno will fetch you. Sinabi ko ang address mo. Nakuha ko iyon sa resume mo. Please, Vivi. Please..."
Nataranta na ako. Hindi na ako nakapagbihis. Narinig kong may bumusina sa labas ng apartment.
"Sino ang tumawag, Ate? Bakit? Anong nangyari? Saan ka pupunta?" sunod-sunod na tanong ni Vaan ngunit hindi ko siya masagot.
Nakasuot lang ng pambahay, bumaba ako ng apartment building. Nakasunod lang sa akin ang aking kapatid. Hindi ko na siya magawang pagsabihang huwag sumunod at manatili lang sa bahay. Napangunahan na ako ng kaba at taranta.
"Anong nangyari? Saan ka pupunta, Ate?!"
Sinalubong ako ni Juno sa labas ng kanyang sasakyan. Kalmado lang siya kaya medyo nabawasan ang aking taranta pero nanatili pa rin ang kaba ko.
"Anong nangyari kay Raziel?!"
Suminghap si Vaan sa aking likod nang marinig ang dahilan ng pagkakataranta ko.
Juno shook his head. "Nothing serious happened, babe. Relax. He's just being dramatic at Ellone's place."
Napahilamos ako sa aking mukha sa narinig. Unti-unti nang nawala ang kaba sa aking dibdib.
Pumasok ako sa passenger's seat habang si Vaan ay nasa likod. Parehas kaming nakasuot lang ng pambahay. Sinulyapan ni Juno ang aking kapatid sa backseat.
"He's my little brother," I said.
Juno nodded before he started the engine.
"Akala ko naman kung anong nangyari. Kung kabahan at mataranta ka akala mo..." si Vaan na pabulong-bulong sa likod.
Narinig namin iyon kaya natawa at nailing si Juno habang nagmamaneho. Nag-init ang mga pisngi ko sa hiya.
Pasensya na at hindi ko maiwasang kabahan at mataranta. Sadyang nag-alala lang talaga ako. Lalo na't sariwa pa sa aking utak ang nangyari kagabi sa harap ng apartment building. Baka maulit iyon sa ibang lugar. Baka kung mapano na talaga si Raziel.
I know the Lionhearts are sadist, powerful, and all. Pero walang pinipili ang aksidente. Anak ka man ng presidente o kahit sinong pinaka makapangyarihang tao sa buong mundo.
Sa Bayan ng Travia rin ang condo ni Ma'am Ellone ngunit medyo malayo iyon sa apartment ko kaya inabot kami ng halos tatlompung minutong byahe. Napakataas ng building kaya halos sumakit ang leeg ko katitingin habang papasok ang sasakyan patungong basement parking.
Dumiretso kami sa lobby. Nalaman kong dito rin pala naninirahan si Juno kaya hindi na kami dumaan pa sa information desk. Sa elevator agad kami at pinindot niya ang pinakamataas na floor.
"Magkatabi lang kami ni Ellone ng room," sabi ni Juno.
Napatango ako bago nagtanong tungkol kay Raziel. "Ano bang nangyari kay Raziel?" mas mahinahon ko nang tanong kumpara kanina.
Bumuntong si Juno, parang naging problemado siya nang magtanong ako tungkol kay Raziel. Sumandal siya sa dingding ng elevator. Parehas kami ng aking kapatid na nakatingin sa kanya, inaabangan ang sasabihin niya.
BINABASA MO ANG
Eyes On Me
General FictionThe Lionheart Brothers #1 "You are always looking at her. Just this time, please, look at me. Eyes on me."