[39] I Want You. You Want Me

3.6K 100 16
                                    

[39] I Want You. You Want Me


Sa gulat ko sa ginawa ni Raz, natulak ko siya. Medyo napaatras siya, dalawang beses, dahil hindi rin niya atang inaasahang itutulak ko siya. Hinawakan ko ang aking labi at saka napatingin kay Ellone.

She immediately looked away when our eyes met. My heart ached. I felt guilty.

Agad kong binalingan ang lalaking nasa harapan ko. "Raziel, bakit mo ba 'to ginagawa?"

Kumunot ang noo niya. "Bakit mo ito ginagawa?" balik niyang tanong.

"Para sa'yo ito..." pabulong kong sagot, titig na titig sa mga mata niya.

"Hindi ito para sa akin. Para sa'yo ang lahat ng ito. To satisfy yourself. Ginagawa mong mission ang pagpapasaya sa akin. Isang buwan na kitang pinagbibigyan, Vivi. Tama na."

Napakurap-kurap ako sa mga sinabi niya. Parang isang punyal na tumarak sa akin ang mga narinig mula sa kanyang bibig.

"You're looking at me as if I hit the bull's eye." He sarcastically grinned at me. "Did I order you to make me happy? Ang sinabi ko lang ay manatili ka sa tabi ko. Iyon lang. Hindi na ako humiling pa ng iba."

Sa likod niya, nakita kong nanghihinang lumapit si Ellone sa amin. Kahit nasa kanya na ang buong atensyon ko, nanatili pa rin si Raz na nakatingin sa akin. Nakangisi siya pero napa sarcastic no'n.

Nakatayo kaming tatlo sa gilid ng stage. Sa malayong counter, nahagip ng mga mata kong nakatingin si Bianchi sa amin. Kung wala lang siyang trabaho roon ay alam kong mabilis siyang pupunta rito para makichismis.

"Raz..." parang iiyak nang tawag ni Ellone.

Mas lalong sumakit ang puso ko. Pakiramdam ko'y kasalanan ko ang lahat. Kung bakit nasa akin ang buong atensyon ni Raz ngayon. Kung bakit parang iiyak na si Ellone. Kung bakit nangyayari ito sa kanilang dalawa.

Nanigas ang panga ni Raz at saka mariin na nagsalita. "Let's go."

Umapila ako. "Kailangan ko pang kumanta. Hindi ako pwedeng umuwi na lang."

"Wala na akong pakialam sa ibang bagay. Ang gusto ko, umuwi na tayo," pagalit niyang sabi at saka ako hinigit paalis.

"Raziel!"

"And why are you not calling me Raz?" he shot back.

"Now you want me to call you Raz? Noon ay ayaw mo, ah?"

Masungit niya akong nilingon. Nauuna siyang naglalakad habang hinahatak ako. "Because it feels good whenever you call me Raz."

Parang bulang nawala lahat ng mga iniisip ko. Ang natira na lamang ay ang sinabi niyang nagpainit sa mga pisngi ko at ang mga kamay naming magkahawak nang mahigpit.

"Paano si Ellone?" nag-aalangan kong tanong, takot na baka masira ang kung ano mang mood na meron kami.

"Hayaan mo siya," labas sa ilong niyang sabi.

Kahit nakakaramdam ng guilt, mas lamang pa rin ang saya sa puso ko. Ang sama sama ko na talaga.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko pagkapasok sa black Corvette niya.

"Sa kwarto ko."

Lumundag ang puso ko habang kinakabit ang seatbelt. "Bakit doon?"

He tilted his head and smirked. "For your punishment."

Kakaibang init ang dumaloy bigla sa aking katawan.

"Is this really okay with you?"

"What are you talking about?"

Eyes On MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon