[24] Move On

3.7K 106 6
                                    

[24] Move On


Matagal bago rumehistro nang husto sa aking utak ang sinabi niya.

"You want to move on from Ma'am Ellone?" pasinghap kong tanong.

"I want to be freed from this pain and despair," he said, breathless.

Dahan-dahan, binaba ko ang mga kamay na nakatigil sa ere. Nakita niya kung paanong hirap na hirap akong lumunok.

"Seryoso ka?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ko.

"I'm always serious, Vivi."

Totoong seryoso siya. Hindi lang sa tono kung 'di pati ang mga mata. Nakakunot nang bahagya ang kanyang noo habang nakatingin sa akin, pinapanood ang bawat reaksyon ko.

"But you love Ma'am Ellone... Why would you move on?" I asked.

Pain appeared on his serious face. "I love her but it doesn't mean I can have her. Siya ang unang bumitaw. Kaya bibitaw na rin ako."

Hindi ko alam kung anong una kong mararamdaman. Kung ano nga ba ang dapat kong maramdaman. Matuwa? Masaktan? O maawa?

Natutuwa at nasisiyahan ako dahil napili niyang mag move. Ayaw niya nang patagilin pa ang sakit at hirap na nararamdaman niya. He made a choice to move forward with my help and it's good, right? In this life, you cannot have all the things you want. You should accept that everything will not happen according to your plan. All you could do is to accept it and move forward.

Ang kalahating parte naman ng aking nararamdaman ay awa at sakit. They love each other dearly but they can't be together because of their family issues. Napaka sakit tanggaping ang taong mahal na mahal mo'y hindi mapapasayo dahil ayaw ng pamilya mo.

Bukod sa pagtanggap sa kapalaran nila, pwede nila iyon paglaban. Kaya ni Raziel pero hindi gusto ni Ma'am Ellone ang ideyang kalabanin nila ang kanilang pamilya. She's such a good and kind person. If I were in her position, hindi ko rin maaatim kalabanin at suwayin ang sariling pamilya.

Humakbang ng dalawang beses palapit sa akin si Raziel. I inhaled violently. Para akong aatakihin sa puso sa biglaan niyang paglapit. He's too much! His presence is too much!

"I want tips on how to move on," he said.

"T-Teka, Raziel, gusto mo ng tulong ko pero wala akong alam sa ganyan, e. I... I don't have any experience in relationship..." medyo nahihiya kong sabi.

Nag-init ang mga pisngi ko. Bakit nakakahiyang aminin sa kanyang wala akong karanasan sa relasyon at pag-ibig?

Tumagilid ang ulo niya at saglit na nag-isip. Ngumiwi siya pagkatapos. "You have a fiance, right? Paanong wala kang experience?"

"Iba naman 'yon! It's a fixed! At saka, hindi naman kami intimate sa isa't isa ni Levi. Walang feelings involved."

He shot his brow up. "Really?"

"Oo!" Ngumuso ako.

"Nagsasabi ka ng totoo?" may pagdududa pa rin niyang tanong.

"Oo nga! Teka, bakit sa akin napunta iyong topic?" mabilis kong sabi.

Humalukipkip siya. "Way before you met me... he never kissed you on the lips?" makulit niyang tanong.

"Hindi pa! Ikaw ang first kiss ko!" sagot kong agad kong pinagsisihan.

Tinakpan ko ang aking mukha nang makita ko ang tuwa sa mukha niya. Anong nakakatuwa, Raz? Huh? Nakakahiya! Bakit ba iyon lumabas sa bibig ko?!

"I was your first kiss? When? Ah! The first time I saw you on the Ell's gril and bar restau..." he sounded playful.

Eyes On MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon