[31] Later

3.4K 92 11
                                    

[31] Later


"Raz, teka lang..."

Hinawakan ko ang mukha niya at nilayo sa akin. Umiwas ako ng tingin dahil sobrang namumungay ng mga mata niya habang nakatingin sa akin. Tinakpan ko ang aking bibig at lumayo sa kanya. Tumayo ako.

"Where are you going?" Inabot niya ang aking kamay para pigilan.

Hindi ako makatingin sa kanya. "Maghihilamos lang ako..."

Hinatak ko ang kamay ko para makawala sa kanya at makapaghilamos na. Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya o ang reaksyon niya, mabilis na akong tumakbo papasok sa cr.

Narinig ko ang halakhak niya bago ko isarado ang pinto. Mabilis akong nag toothbrush gamit ang nakita kong bagong toothbrush sa cabinet at nag mouth wash din ako. Naging mabilis ang paghihilamos ko dahil ayaw kong paghintayin si Raz.

"Tapos ka na? Pwede na nating ituloy iyong kiss?" nakakaloko niyang tanong paglabas ko.

Agad nag-init ang mukha ko. "Raz naman. Umagang-umaga."

Sumeryoso bigla ang mukha niya at nag-iwas ng tingin. "Ang kulit mo. Ayoko ngang tinatawag mo akong Raz."

"Raz..." asar ko at lumapit sa kanya.

Umirap siya. "Kulit. Isa pa, patatahimikin kita gamit ang labi ko."

I giggled. I sat beside him and looked at the round and plain chocolate cake on the bed.

"Para sa akin ba talaga ito?" tanong ko.

Tumango siya. "I baked this early in the morning."

Lumaki ang mga mata ko. "You know how to bake?"

He rolled his eyes. Sungit! "I'm a Lionheart, VIvi."

"Ano naman kung Lionheart ka?" kunwaring naguguluhan kong tanong pero gusto ko lang siya asarin. Ang cute niya kasi kapag umiirap at naiinis.

"All the Lionhearts are talented," he said. Napatango ako, pinipigilan ang pag-usbong ng malaking ngiti sa labi. Kinuha niya ang cake at ibinigay sa akin. "It's Valentines today."

"I never thought you were romantic. And sweet, too." I smiled.

He didn't reply and just rolled his eyes at me. Nakangiti kong tinitigan ang hawak na chocolate cake. May kung anong pumipiga sa puso ko. Sumisikip ito. Sumasakit sa sobrang saya.

"Iyong nangyari kagabi..." panimula ni Raz matapos ang ilang sandaling katahimikan. Biglang naglaho ang ngiti ko. "I'm sorry."

"Anong nangyari sa apat na lalaki? May balita ba kayo?" nahihirapan kong tanong.

"The one that got shot on the head died. He's in the morgue. The remaining three guys are on the ICU."

Tiningnan ko ang mukha niya. Seryoso lamang ito at walang halong kahit anong ekspresyon. Awa, simpatya, pagsisisi... wala ako makita. Parang nagbibigay lang siya ng balita sa akin tungkol sa panahon.

Kumirot ang puso ko. Hindi na sa saya. Kung 'di sa hindi ko mapangalang pakiramdam.

Buong araw, nasa loob lang ako ng kwarto ni Raz habang siya ay busy sa pakikipag-usap kay Byron Lionheart sa meeting room. Dinadalhan lang ako ng pagkain ni Ezreal. Iyong chocolate cake ay nakalagay lang sa mesa ng kwarto ni Raz, hindi ko makain. Noong maghapon ay pumasok si Heaven Lionheart dala ang first aid kit.

Nakaramdam ako ng pagkailang. Lalo na noong maalala ang sinabi niya sa akin kagabi. Nakaupo ako sa dulo ng kama habang nakaluhod siyang nililinis ang mga sugat ko. Nakatingin lamang ako sa isang gilid nang bigla siyang magsalita.

Eyes On MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon