[50] Be Selfish Once Again

3K 87 38
                                    

[50] Be Selfish Once Again


Ramdam ko ang pangangawit ng leeg ko habang tinitingala ang malaki at matayog na itim na gate. Nasa loob pa ako ng sasakyan at hindi pa lumalabas pero ang puso ko, sobra na ang pagkabog. Hindi ko alam kung bakit ganito siya kumabog ngayon.

Dahil ba sa kaba? Takot? Excitement? Tuwa? Hindi ko alam.

"Dito na lang kayo. Ako na lang ang papasok sa loob," mahinahon kong sabi kina Levi at Vaan.

Kapwa sila hindi mapakali. Halatang galit sa nangyari sa akin ngunit hindi na lang nagsasalita. Pinili na lang manahimik. And I'm thankful because of that kasi hindi ko ata kakayanin kung pati sila ay maraming itatanong sa akin. Kasi kung ako ngang sarili ko, hindi ko masagot ang mga tanong na naglalaro sa aking isip ngayon. Iyong mga tanong pa kaya nila?

I just want a peace of mind right now. And a little bit of Raziel.

"Sasama kami, Ate. Sobrang delikado sa mansion na iyan!"

Nilingon ko si Vaan sa backseat. "Ilang beses na akong nakapunta sa loob niyan. Buhay pa naman ako hanggang ngayon. At saka, kilala ako ng mga nakatira diyan. Wala silang gagawing masama sa akin."

"Kahit na! Paano kapag nadulas ka? Madapa? Buntis ka! Kailangan may mag-aalalay sa'yo!"

"You're overreacting!" I said, horrified. "Ako na lang!"

"Kuya, oh!" Tumingin si Vaan kay Levi na nasa front seat para humingi ng tulong.

Levi was just silently staring at me. Lumunok ako. Para akong unti-unting kinakain ng titig niya.

I know he's angry. Naalala ko iyong mukha niya nang sabihin ko sa kanyang buntis ako at si Raz ang ama. The color drained from his face. His jaw was clenched. And a pair of pitch black eyes. Hindi siya makapaniwala. Hindi siya naniniwala. Kaya ang ginawa nila ni Vaan, pinacheck up pa ako sa tatlong personal doctors ng Kaiser family.

I'm three weeks pregnant, the doctors said.

Nang malaman niyang totoo ang sinasabi ko, he became silent. Hindi niya ako kinakausap. Panay lang ang titig niya sa akin. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya. Pero paniguradong galit at nasasaktan siya.

We're getting married, for God's sake! Tapos ay ibabalita ko sa kanyang nabuntis ako ng ibang lalaki?

"Nasa loob ng mansion na iyan ang tatay ng dinadala niyang anak, Vaan. Hindi na natin siya kailangang samahan. Hindi siya pababayaan doon. Hindi ka niya kailangan at mas lalong hindi na niya ako kailangan."

"Levi..." Nag-init ang mga mata ko sa nagbabadyang luha.

Gusto kong maiyak sa tono ng boses niya. It was low, sad, and cracked voice.

I really hurt him so bad!

Iniwas niya ang tingin niya sa akin. "Go to him, Vashti. We'll just wait here."

He called me Vashti, not Vivi. And it stung.

Ilang segundo ko muna siyang tiningnan. Hindi siya tumitingin sa akin. Nakatulala lang siya sa daan at mahigpit ang hawak sa manibela.

Padabog na sumandal si Vaan. Maingay din siyang bumuntong-hininga.

Bago pa ako makalabas ng sasakyan, bumukas na ang maliit na pinto sa gilid ng malaki at matayog na itim na gate. Lumabas doon si Raz at kahit tinted ang salamin ng sasakyan, agad nagtagpo ang mga mata namin na para bang alam niya agad kung nasaan ako nakapwesto.

Bumilis ang tibok ng puso ko at bigla na lang tumulo ang mga luha ko.

"Siya ang kailangan mo ngayon. Hindi kami. Kaya pumunta ka na sa kanya at sabihin mong siya ang ama ng dinadala mo," sabi ni Levi sa mababang boses.

Eyes On MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon