[33] Smile More For Me, Please

3.7K 118 28
                                        

[33] Smile More For Me, Please


Inintindi ko si Raziel sa paraang kaya ko. Kahit gusto kong bumisita sa ICU para makita ang tatlong lalaking may binalak na masama sa akin, hindi ko na pinilit pa. Ang sabi sa akin ni Raz, kapag gumaling sila, masasampahan sila ng kaso dahil may nag tip sa mga pulis na sila ang salarin sa mga rape and murder cases. May mga tetestigo rin at witnesses sa mga ginawa nila. Ang lalaking nasa likod ng nag tip na iyon ay si Irvine Lionheart.

Ang isang lalaking namatay naman ay nakaburol ngayon. Sa darating na Linggo siya ililibing. Pinaghahanap na rin ng mga pulis ang taong bumaril sa apat na lalaki. Kinakabahan ako para kay Irvine Lionheart. Alam kong mali ang ginawa niya pero sino ako para sumbatan siya? Para isumbong siya? Siya ang dahilan kung bakit maayos pa ako ngayon. Kung bakit walang nangyaring masama sa akin. Sina nina Raziel.

Mali ang ginawa niya. Maling mali. Walang karapatan sino man sa mundong ito ang kumitil ng buhay ng iba.

Pero nanatiling nakatikom ang bibig ko sa pangyayari noong gabing iyon. Pinilit kong ibaon ang konsensyang umuusbong sa akin.

"Bakit biglang nagbago ang isip mong huwag nang pumunta?" tanong sa akin ni Raz kinaumagahan.

Ngumiti ako. "Gusto kong maging masunurin sa'yo, e," biro ko. "Gusto kong sundin lahat ng gusto mo."

"Gusto ko ring gawin ang lahat ng gusto mo, Vivi."

Natuwa ako sa sinabi niya kaya iyong ngiti ko'y mas lalong lumaki at lumapad. May biglang kumatok sa kanyang pinto.

"Kuya?" sabi ng isang boses sa kabilang pinto.

Si Pain.

Kababalik lang ni Raz mula sa morning breakfast nila ng mga kapatid niya. Dinalhan ako ni Ezreal ng makakain habang nanatili ako sa kwarto niya.

Tumayo si Raz at medyo bugnot na binuksan ang pinto. Sumungay ang ulo ni Pain, inikot ang mga mata sa buong kwarto para hanapin ako.

Ngumiti ako nang magtama ang paningin namin.

"I'm here to give your cellphone back," he said.

Hindi niya pinansin ang bugnot sa mukha ni Raz. Pumasok siya kahit nakaharang ang kanyang kapatid sa pintuan. Naglakad si Pain palapit sa kama kung saan ako nakaupo.

"Salamat! Ayaw mo na maglaro?" tanong ko nang makuha ang cellphone kong ilang araw wala sa akin.

"Gusto pa pero may ilang texts na si Ellone Rejante. Sinagot ko ang tawag niya kanina lang. Hinahanap ka. Ang sabi ko'y nasa kwarto ka ni Kuya Raz, busy. Hindi ka niya pwedeng kausapin," casual niyang sabi.

Lumaki ang mga mata ko at agad binasa isa-isa ang mga mensahe ni Ma'am Ellone sa cellphone. Hindi lang siya ang may text doon, marami. Sina Vaan, Bianchi, Gelo, Karin, Juno... ang mga katrabaho ko.

Napasinghap ako. Ilang araw na akong nandito sa mansion ng mga Lionheart. Pang tatlong araw ko na rito! Nawala sa isip ko ang aking trabaho at ang mga pwedeng taong mag-alala sa pagkawala ko.

"Are you sure you want to go there? Pwedeng sa iba na lang tayo pumunta?" Raziel asked, a little bit annoyed.

Determinado akong tumango sa kanya.

Binasa ko ang lahat ng texts sa akin at nireplyan silang lahat. Ngayon, pupunta kami sa townhouse ni Ma'am Ellone. Ang sabi ni Raz hindi raw kalayuan ang townhouse nila rito. Nasa Bayan din ng Travia.

Medyo may kung anong tabang akong naramdaman nang malamang alam ni Raz ang townhouse ni Ma'am Ellone. Nakapunta na siguro siya roon. Ilang beses pa.

Eyes On MeMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon