[17] I Promise
I wore my usual attire, dress and sandals, whenever I have a gig in the grill and bar restau. My pale pink dress was slowly dancing because of the wind. Gaya ng sinabi nila, sumama nga ang dalawang lalaking malapit sa buhay ko.
Raziel was surely still annoyed while my brother was undeniably calm. Palipat-lipat ang tingin ko sa dalawa habang papasok kami sa loob. Parehas silang nasa magkabilang gilid ko na para bang may bigla aatake sa akin kaya dapat protektahan nila ako.
When we entered the restaurant, Karin's already singing in front. Juno was at the side, playing the piano. May ibang tumingin sa aming pagpasok. Hindi ko pa man ginagala ang aking paningin, nakita ko na agad si Levi sa isa sa mga upuan sa pinaka harapan. Kahit nakasuot siya ng baseball cap at mask ay alam kong siya iyon base sa kanyang tindig at sa mga mata niyang agad kong nakasalubong dahil nakatutok lamang ito sa entrace, tila may inaabangan.
Raziel immediately went to his usual place, the very corner of this restaurant. Sumunod sa kanya si Vaan.
"We will be watching you, Ate."
Ngumuso ako. "It's only a dinner. Kung makapagsalita ka ay para bang may gagawin kaming hindi kaaya-aya."
"Pinapaalalahanan lang kita. Artista iyang kasama mo. Ayokong..." Umiling-iling siya at hindi na itinuloy ang nais sabihin.
"I know. You don't have to tell me."
"I'm fine with our life right now. Hindi ko gusto ang mga komplikadong bagay," huling sinabi ni Vaan bago ako iniwan at nakiupo sa mesa ni Raziel.
Nilakad ko ang distansya namin ni Levi. His eyes didn't leave mine while I was walking towards his direction. Yumuko ako dahil hindi ko na kayang salubungin ang kanyang tingin.
"Glad you decided to show up," he said.
"There's no choice. I work here. Makikita at makikita kita rito. At kahit tumkabo ako palayo sa'yo, alam kong hahabulin at kukulitin mo lang ako."
"Am I annoying you right now?"
"Yes. And I wish this would be the last time, Levi. I want a peaceful life. Please. Don't bother me again. I don't wanna go back where you came from. This is my new home."
"You can't make me stop from running after you, Vashti. Anyway, let's order."
"Wait here. Magsasabi lang ako sa management." Tumayo ako at iniwanan siya roon.
Nagsisimula na naman akong mainis. Ayoko talaga ang mga salitang lumalabas sa bibig ni Levi. Hindi ko gustong balikan pa ang mga bagay na matagal ko nang ibinaon sa limot.
"Kanina lang ay sa'yo at Raziel ako kinikilig, ngayon sa'yo at kay Levi naman. Friend, ikaw na! Hindi ko alam na may dinner pala kayo rito ngayon?" Siniko-siko ako ni Bianchi. "Close talaga kayo sa isa't-isa, 'no? Childhood friend kayo? Mag ex? Magkaklase noon? Girl, hindi mo pa sa akin sinasabi!"
Ngumisi ako. "Basta magkakilala kami. Maaga pa naman. May thirty minutes pa bago ako kumanta, hindi ba? Pakisabi namang kakain lang ako saglit. Kapag time ko na, aakyat na lang ako sa stage."
"Sure! Kwento later, okay!"
Panay ngisi lang ang ibinigay ko sa kanya. Bumalik ako sa table namin ni Levi. Batid ko ang mga mata ng dalawang lalaking nakamasid sa akin. Pinapanood nila na parang agila ang bawat galaw ko. Naiilang ako.
Ibinigay sa amin ang menu. Hindi ko sinalubong ang nakakalokong tingin ng aming waiter sa aking tabi habang naghihintay ng order.
"What do you want to eat?" Levi asked me under his mask.
BINABASA MO ANG
Eyes On Me
General FictionThe Lionheart Brothers #1 "You are always looking at her. Just this time, please, look at me. Eyes on me."