[34] Decision & Realization

3.5K 104 15
                                    

[34] Decision & Realization


Karin said to me that they are having a chill time for themselves since the games and some fun things that Ma'am Ellone planned were already done yesterday and the other day. Later tonight, if they are still sober, we will be having a truth and dare game.

Pero hapon pa lang ay lasing na sila. Lahat sila ay nakahiga at tulog na sa mga sofa roon sa sala.

"Juno... babe..." mahinang tawag pa ni Karin habang nakapikit at niyayakap ang isang malaking teddy bear.

Ngumiti ako. Mukhang gustong-gusto niya si Juno. I don't know what's between them right now but I hope Juno doesn't hurt her.

Narinig ko ang kalansing ng mga pinggan sa may kusina. Pumunta ako roon, nagbabakasaling si Ma'am Ellone iyon at tama nga ako. Nakita ko siyang naghuhugas ng pinggan sa may sink. Agad akong dumalo para tulungan siya pero tumanggi siya.

"Huwag na. Ako na. Salamat," utas niya at ngumiti.

"Wala po ba kayong tagasilbi rito sa townhouse niyo?" tanong ko.

"Mayroon kaming tagabantay at tagalinis. Pero walang kasambahay na tumutulong dito kapag nandito kami. Hindi naman kailangan dahil minsan lang kami nandito."

Tumango ako at pinagmasdan siya sa paghuhugas ng pinggan. Mukhang sanay siya sa ganitong gawain kahit na hindi naman kailangan dahil mayaman siya. May mga tagasilbing gagawa ng mga gawaing bahay.

Napangiti ako. She's living a humble life.

"Vivi, nga pala, I'm sorry for what happened earlier. Hindi ko talaga sinasadya," puno ng pagsisi niyang sabi sa akin.

Iyon ba ang nangyari kanina kung saan natapunan niya ako ng malamig na tubig? Naisip kong nakita niya siguro iyong ginawang paghawak ni Raz sa binti ko. That's why she was startled.

"Okay lang, Ma'am. Wala 'yon sa akin." Ngumiti pa lalo ako pero agad iyon nawala nang may mapansin ako sa may bandang braso niya. "Ano 'yan, Ma'am?"

Nakasuot siya ng long sleeve pero dahil naghuhugas siya ng pinggan ay medyo umaangat ang dulo nito sa may bandang kamay. Nakita kong may mga pasa siya roon. Hindi lang isa o dalawa. Marami!

Lumaki ang mga mata ko. Agad siyang tumigil sa paghuhugas para ayusin ang kanyang long sleeve. Naging malikot ang mga mata niya at halatang nawalan ng sasabihing alibi.

"Si Accel ang may gawa niyan?" mariin kong tanong at nanginig ang kanyang labi.

I'm not a judgmental person. Pero alam ko ang ugali ni Accel. Kilala ko siya simula pa lamang ng bata ako. Mabilis siyang magalit. At kapag nagagalit siya, he tends to become a violent person. Madalas silang nag-aaway ni Levi pero kahit kailan ay hindi siya nanalo rito.

"Paano mo namang nasabing si Accel?" gulat niyang tugon at mas lalong binaba at inayos ang long sleeve.

"Siya ba?"

"Hindi... ano... uhm..." Mariin siyang pumikit. Kagaya ko, mukhang hirap din siyang magsinungaling. Kaya umamin din siya. "Nag-away lang kami."

"Bakit kayo nag-away? Kahit simpleng bagay lang ay kayang palakihin ni Accel. Pagkatapos ay magagalit siya kahit siya naman ang nag-umpisa," sabi ko.

Tumingin siya sa akin. Sumilay ang isang pilit na ngiti sa labi. "You really know him well."

Tumango ako. "Dahil kasama ko na siya sa paglaki. Kahit babae ay pinapatulan niya," sabi ko.

Eyes On MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon