[25] What Am I To You
Ilang minuto pa kaming tumambay roon, pinapakinggan ang payapang alon ng dagat, sa ganoong posisyon. Kumikirot ang puso ko sa sobrang saya at kilig. Kung pwede lang sanang manatili kami sa ganoong posisyon sa buong araw... kaso ay may naiwan akong trabaho.
Isang malalim at mahabang buntong hininga ang ginawa ni Raz bago humiwalay sa akin. Kinagat ko ang labi ko. Tiningnan niya ako at bahagyang ngumiti.
"Sorry. Nangalay ka ba?" tanong niya.
Umiling ako. "Hindi naman..."
Hinawakan niya ulit ang magkabilang baywang ko. Akala ko ay yayakapin niya ulit ako ngunit nag-init ang pisngi ko sa pagkakapahiya nang inangat niya ako at ibaba sa stone walled fence. Buti ay hindi niya nababasa ang nasa utak ko!
"You're red," he commented.
"Ah! Wala 'to!" Tumalikod na ako at inunahan siya papasok sa sasakyan niya.
Nang makapasok ay kinurot ko ang aking braso. Gustong-gusto mo talagang manatili roon, ha, Vivi! Paano ang trabaho mo? You're taking advantage of him!
Bumukas ang pinto ng driver's seat at pumasok si Raz. Nakataas ang kilay niya akong sinulyapan.
"I brought some food today for us..." he said in a sweet voice kahit na halatang nagtataka pa rin kung bakit namumula ang mukha ko.
God, bakit ganoon bigla ang boses niya? Why so sweet and lovable?
"Talaga? Niluto mo?"
Bahagya siyang ngumuso. "No. It was cooked by Ezreal, one of our servants. Gusto mo ba ako ang magluto ng kakainin natin? O gusto mo ay ang chef namin?"
Ngumiti ako. "Hmm... Kung mamimili ako sa inyong tatlo, syempre, ikaw ang gusto kong magluto ng kakainin natin. Hindi pa ako nakakatikim ng luto mo, eh! Teka, marunong ka magluto?"
He flashed a proud smirk. "Yes."
May inabot siya sa backseat at ngayon ko lang napansing may malaking paper bag doon. May laman iyong apat na lunch box, punong-puno ng iba't ibang putahe.
Nanlalaki ang mga mata kong tumingin kay Raz. "Niluto lahat ito noong Ezreal?"
"Yes," sagot niya at ibinigay sa akin ang isang lunch box na may kanin.
"Napakadami naman nito para sa ating dalawa."
"Niluto niya ito para sa aming lahat na magkakapatid."
"Oh... Pwede ko bang kainin 'to, kung ganoon?" tanong ko.
Kunot-noo niya akong binalingan. He gave me the silverware. "Why not, Vivi? I brought it for you."
"Para sa mga Lionheart Brothers lang ang pagkain na ito. It's not really for me."
He sighed. "Next time, the only food I will bring is the food I cook. Okay, Vivi? Now, let's eat."
I pouted. "Hindi naman ganoon ang ibig kong sabihin pero sige, gusto ko iyon." Sabay pakita sa kanya ng isang malaking ngiti.
We spent an hour eating quietly inside his Corvette. Ngunit ang puso ko'y hindi na mapatahimik sa kakakabog nang malakas at mabilis. Hindi ko rin maalis ang ngiti sa aking labi.
Tanghali nang bumalik kami sa coffee shop. Humingi ako ng paumanhin kay Ma'am Laurae at sa iba ko pang katrabaho dahil sa ginawang pag-alis ng ilang oras.
"We can't do anything but to say yes if it's a request from a Lionheart," Ma'am Laurae said at me with a smirk.
Raz seated on his usual spot on the coffee shop. Bumalik ako sa trabaho. Pakiramdam ko ay lumulutang ako sa sayang nararamdaman ng puso ko. I couldn't wipe off the big smile on my lips!
BINABASA MO ANG
Eyes On Me
Narrativa generaleThe Lionheart Brothers #1 "You are always looking at her. Just this time, please, look at me. Eyes on me."