[23] With Your Help

3.4K 99 31
                                    

[23] With Your Help


Tulog na ang aking kapatid pagkauwi ko. Nakahiga siya sa sofa at naiwang nakakalat sa coffee table ang mga makakapal na libro, bond papers na may mga drafts ng blue prints, mga iba't ibang hugis ng ruler, ballpens...

Hindi ko na siya ginising pa. Takot ko na ring magtanong siya ng kung anu-ano tungkol sa party na pinuntahan ko. Batid ko rin ang pamamaga ng aking mga mata at ang mga pisngi kong namamanhid pa sa pagkakasampal ni Madam Red.

Ayaw kong makita niya iyon.

Kinumutan ko na lamang si Vaan ng comforter upang 'di lamigin sa pagtulog sa sofa. Dumiretso ako sa kwarto ko at pabagsak na humiga. Pagod na pagod ako. Kusang pumikit ang mga mata ko kahit wala pa kong balak matulog.

Bago nawalan ng malay ay nag echo sa aking utak ang huling sinabi ni Levi kanina.

"It doesn't matter if you like someone else. Sa akin pa rin ang bagsak mo, Vashti."

I don't want to marry for convenience.

Time flies by so fast. Nakakapagtaka dahil hindi na muling nagpakita si Levi sa akin. Wala rin akong naging balita tungkol kay Madam Red patungkol sa kagustuhan niyang bumalik ako sa mansion. Nanatili lamang kasi ako sa aming apartment, nagpatuloy sa mga trabaho, at pinag-aral si Vaan. Ilang araw akong naging tahimik.

Ilang araw ko ring hindi nakita si Raziel. Wala akong balita sa kanya. Si Ma'am Ellone ay mailap din. Hindi nagpapakita sa grill bar and restau.

"Hindi pantay! Iurong mo pa ang puso!" si Bianchi kay Gelo.

Ngumiti ako habang tinitingnan silang inaayos ang mga ginupit naming puso galing sa colored paper. Dinidikit nila ito sa mga dingding ng coffee shop. Sumisigaw ng pag-ibig at pagmamahalan ang theme ng coffee shop dahil sa susunod na linggo na ang Araw ng mga Puso.

Ako naman ay busy sa pag-aayos ng mga heart shaped balloons sa counter. Lumapit sa akin si Ma'am Laurae.

"Vivi, nagustuhan ng anak ko ang autograph ni Levi. Thank you." Ngumiti siya sa akin at tinapik pa nang marahan ang aking balikat, walang bakas ng kasungitan ang mukha niya gaya nang nakasanayan ko.

Parang may mainit na kamay ang humaplos sa puso ko. "Welcome, Ma'am. Sana ay sa susunod ay makita ko po ang anak mo nang personal."

"Sure, Vivi!" Nakakapanibago dahil ngiting-ngiti si Ma'am Laurae ngayon. "Ang bait pala ni Levi, 'no? Despite his expressionless face, rough and intimidating aura, may tinatagong gentleness ang lalaking 'yon. Sobrang gwapo pa." Nakitaan ko ng pamumula ang mga pisngi niya.

Awkward akong ngumiti. Hindi ako sanay na ganito si Ma'am. Para siyang si Bianchi kung puriin si Levi.

"Ayusin mo naman ang paglalagay! Magaling ka lang humawak ng bote, hindi mga puso!" sabi ni Bianchi kaya napatingin kami ni Ma'am sakanila ni Gelo.

"Ayos, ah?! Kung makapag-utos!" iritadong binalingan siya ni Gelo. "At sino ka para sabihing hindi ako marunong humawak ng puso? Gusto mo subukan ko sa'yo, ha? Ipaubaya mo sa akin ang puso mo! Patutunayan kong kaya ko 'yang alagaan at ingatan!"

Nanlaki ang mga mata namin sa banat ni Gelo. Alam ko, noon pa man, iba na ang mga tinginan ni Gelo kay Bianchi kapag oblivious ito sa paligid. Lalo na noong kagagaling lang sa break-up ni Bianchi. Inaasar man niya ito, alam kong mahalaga at concerned si Gelo kay Bianchi. Teasing her is his way to make her happy.

Nangamatis ang mukha ni Bianchi. "A-Ano?!" Pumiyok din ang kanyang boses.

Dahil hindi niya kinaya ang sinabi ni Gelo, padabog siyang umalis at pumasok ng kitchen. Sumunod naman si Gelo sa kanya, iniwan ang pagdidikit ng mga heart shaped colored papers.

Eyes On MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon