The Beginning
"Coffee jelly, sir?" nakangiting tanong ko sa lalaking customer.
Inangat niya ang kanyang paningin mula sa hawak na cellphone at tumingin sa akin. Ngumisi siya at tumango.
"Yeah. I ordered coffee jelly."
Ginantihan ko ang ngisi niya at nilapag ang coffee jelly sa mesa. "Thank you for the order, sir."
Tumagal pa ang titig sa akin noong lalaki. Umayos ako ng tayo habang mahigpit na hinahawakan ang malamig na tray sa aking mga kamay.
Alanganin akong ngumiti sa lalaki. Unti-unti akong umalis sa harap niya para bumalik na sa trabaho nang hawakan niya ang kamay ko. Napalunok ako dahil kakaiba ang paraan ng pagkakahawak niya sa akin. May malisya iyon.
"Are you new here?" he playfully asked.
Umiling ako. "No, po. Matagal na ako rito."
"This is the first time I see someone as beautiful as you. Sigurado kang waitress ka rito?"
Gusto kong ngumiwi sa sinabi niya. Ngunit mas inuna ko ang pagbawi ng aking kamay mula sa pagkakahawak niya.
Is he hitting on me?
"Ate..." Sabay kaming napalingon noong lalaking customer sa dumating. Nakakunot ang noo niya habang pabalik-balik ang tingin sa akin at sa lalaki. "Tawag ka ni Ate Bianchi. Maraming na-stuck na orders doon sa counter," sabi niya at umalis agad para ihatid ang mga orders sa kabilang banda ng coffee shop.
Tumikhim ako. Ayoko maging bastos sa customer namin kaya ngumiti muna ako sa kanya bago lumakad pabalik sa counter.
Palaging ganito. Simula noong magtrabaho ako rito, kami ng kapatid ko, palagi na lang may nagtatanong sa akin kung waitress ba talaga ako sa coffee shop na ito. Isang taon na kaming nagtatrabaho rito pero hindi pa rin ako nasasanay sa mga tanong nila.
Pagdating ko sa counter ay nakita ko ang isang Bianchi na maluha-luha. Kagat niya ang pang-ibabang labi habang pumipindot sa touched screen monitor. Halata ang pamamaga ng kanyang mga mata kahit tinakpan na iyon ng make-ups. Tumutugtog ang kantang Where Do Broken Hearts Go sa buong coffee shop. Bumuga ako ng hininga at saka ngumiti kay Bianchi na aming cashier.
"Sino ba ang nagpapatugtog?" tanong ko.
"Si Gelo. Nakakainis. Alam na ngang kagagaling ko lang sa break-up tapos iyan ang pinapatugtog. Naiiyak tuloy ako..."
~We said we needed space. But all we found was an empty place. And the only things I learned is that I need you desperately~
"Teka, ililipat ko ang kanta," sabi ko.
"Huwag. Hayaan mo na. Mukhang ang ibang customers ay brokenhearted din kagaya ko."
Parehas kaming sumulyap sa mga taong nakatambay sa coffee shop. Karamihan sa kanila ay college students dahil nakasuot pa rin sila ng uniform. Ang iba sa kanila ay tulala, ang iba ay pinipilit mag-aral kahit gusto na lang umiyak.
~Where do broken hearts go? Can they find their way home? Back to the open arms of a love that's waiting there~
"Where do broken hearts go, Vivi?" wala sa sariling tanong ni Bianchi sa akin.
Lumingon ako sa kanya. Nakatulala na siya sa mga taong nasa coffee shop.
"They meet other broken hearts. They end up giving up few pieces to fill other's gaps." Napatingin siya sa akin. Umawang ang kanyang bibig. Ngumiti ako. "Iyon ang gusto kong isagot sa'yo pero iba ang paniniwala ko."
BINABASA MO ANG
Eyes On Me
Ficção GeralThe Lionheart Brothers #1 "You are always looking at her. Just this time, please, look at me. Eyes on me."