[52] Could It Be Any Harder?
Ellone, may isang bagay akong pinagsisisihan simula nang mawala ka. Alam mo kung ano iyon?
Hindi kita napasalamatan sa mga ginawa mong tulong sa akin. Sa pagkakaibigan. Sa pagturing mo sa aking kaibigan kahit isa mo lamang akong trabahador.
Pero ngayong narinig ko ang gustong mangyari ni Raziel, ayaw na kitang pasalamatan kasi gusto na kitang awayin. Gusto kitang sigawan.
Bakit bigla mo kaming iniwan? Bakit hindi mo man lang pinasaya si Raz? Bakit iniwan mo siya nang hindi kayo nagkakaayos? Dito na lang ba talaga matatapos ang ibigan niyo?
Kinuyom ko ang mga kamao kong nagsimulang manginig.
Ellone, nakikita mo ba si Raziel ngayon? Nakikita mo ba ang mga luha niyang umaagos sa kanyang pisngi kasabay ng patak ng ulan? Naririnig mo ba ang pinipigilan niyang hikbi? Ang sakit, pagdadalamhati, at lungkot na pilit niyang tinatago sa kanyang mga mata?
Ellone, napakadaya mo kung hindi mo nakikita ang lahat ng ito. Napakadaya mo kasi ako lang ang nakakasaksi nito. Napakadaya mo. Napakadaya mo!
Nagsimulang humapdi ang lalamunan ko. Tiningnan ko si Raz habang walang emosyon siyang nakatingala sa akin. Mas lalong lumakas ang ulan.
"Leave me alone. Please. Umalis ka na, Vivi."
"Hindi kita kayang iwan dito nang mag-isa. Malakas ang ulan. Ihahatid ka namin sa bahay niyo." Nanginig ang boses ko.
Tumalim ang mga mata niya. Parang sinuntok nang malakas ang dibdib ko sa paraan ng pagtingin niya sa akin.
"Ayokong nakikita mo akong ganito. Ang gusto ko lang ay samahan si Ellone rito. Kailangan ko siya. Kailangan niya ako. Kaya please! Huwag mo muna akong lapitan!"
"Raz, sa loob ng kotse tayo mag-usap. Baka magkasakit ka." Sinubukan kong abutin siya ngunit pinigilan akong umalis ni Levi sa kinatatayuan namin dahil mababasa ako ng ulan.
"Huwag mo akong lapitan! Tigilan mo na rin ang pagtawag sa akin ng Raz!" sigaw niya.
Pakiramdam ko, bigla akong nahilo sa pagsigaw niya sa akin. Umawang ang bibig ko. Napakurap-kurap ako. Mas lalong tumalim ang mga mata niya. Umigting ang kanyang panga at nagpatuloy siya sa pagsigaw sa akin.
"Lumayo ka sa akin, Vivi!"
Namuo ang luha sa mga mata ko. "I'm here. I can help you. Just tell anything. Gagawin ko. Ganoon naman ang palagi kong ginagawa, hindi ba? Tutulungan kita. Kahit ano pa 'yan. Please, sabihin mo lang sa akin kasi hindi ko na rin alam kung paano aalisin ang sakit sa puso mo..."
"I want to save myself from this horrible feelings! But I don't need your help!" he shouted and I flinched. Si Levi na kanina pa tahimik ay narinig kong tumikhim. "Ako ang magliligtas sa sarili ko. Hindi ikaw! Hindi ang ibang tao! Hindi ko kayo kailangan! Kaya umalis ka na! Alis!"
Tumayo siya at tinuro ang daang paalis. Mabilis tumulo ang mga luha ko. Hindi man lang siya naapektuhan nang makita niya akong umiiyak. Hindi nagbago ang ekspresyon niya.
"Natatandaan mo pa ba iyong sinabi ko sa'yo noon?" tanong niya. Hindi ako sumagot. Hindi ako makasagot dahil nag-uunahan nang tumakas ang mga hikbi ko sa aking bibig. "Pakakawalan kita sa oras na kaya ko nang wala ka sa tabi ko at matanggap kong hindi mo deserve ang isang tulad ko. Ito na ang oras na 'yon, Vivi."
Humagulgol ako sa iyak at mabilis siyang nilapitan. Hindi na ako nagawang pigilan ni Levi. Nagpabasa ako sa ulan. Hinawakan ko ang mga braso ni Raziel, nagmamakaawa.
BINABASA MO ANG
Eyes On Me
General FictionThe Lionheart Brothers #1 "You are always looking at her. Just this time, please, look at me. Eyes on me."