[12] Need, Want, Love

3.9K 117 28
                                    

[12] Need, Want, Love


Basa ang gray jacket ni Levi. Namumula rin ang kanang braso niya dahil sa pagkakapaso. Kagat-labi kong palipat-lipat pinunasan ang jacket at braso niya. Tatlong PA ang lumapit kay Levi. Ang isa pa'y tinulak ako para mapunasan nang husto ang alaga nila.

"Hala! Namumula ang braso mo!"

Tumikhim ang isa sa kanila. Nakita ko pang inirapan niya ako. "Kumuha ka ng yelo," utos niya sa isa.

"Huwag! Hindi pwede ang yelo! Maligamgam na tubig dapat!" mabilis kong agap.

Matatalim ang mga matang tumingin sa akin ang tatlong PA. Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanila at tiningnan si Levi na diretso lang nakatingin sa akin, hindi man lang halata sa kanyang mukhang napaso siya.

Kahit matalim ang tingin ay sinunod naman nila ang sinabi ko. Parang isang hari si Levi kung punasan nila ng maligamgam na tubig gamit ang bimpo, sobrang hinhin at padampi-dampi ang pagpunas nila sa kanyang namumulang braso. Hindi nawala ang tingin sa akin ni Levi habang ginagawa nila iyon. Pagkatapos ay giniya siya ng isang PA papuntang comfort room para magpalit ng damit. Mananatili lang sana akong nakatayo at hiyang-hiya roon ngunit bigla akong nilapitan ni Levi.

"You did this to me. Ikaw ang magpalit ng damit ko," sabi niyang nagpaangat ng tingin ko.

Narinig iyon ng lahat. Suminghap at nagbulong-bulungan sila. Nag-init ang buong mukha ko sa mga naging reaksyon nila lalo na sa sinabi ni Levi.

"What?" halos nauubusang hiningang tanong ko.

His face remained calm and expressionless. "Come on. Aid me."

Hinawakan niya ang aking kamay at hinatak papuntang comfort room. Lahat ng mga mata ay nakasunod sa amin. Ilang na ilang ako kaya napayuko na lang ako. Nang dumaan kami sa tatlong PA na matalim ang tingin sa akin kanina, umangat ang tingin ko sa kanila. Hindi na lang matalim ang kanilang mga mata, parang kakainin na nila ako nang buhay habang nanlilisik ang mga mata sa akin.

Mabilis akong yumuko ulit. Nagwawala na ang aking puso sa mga nangyayari.

Nang makapasok, ni-lock ni Levi ang pinto. Sinubukan kong tanggalin ang pagkakahawak niya sa akin.

"Bitiwan mo ako, Levi."

Sinunod naman niya ang gusto ko. Binato niya sa mismong mukha ko ang damit na hawak niya. Agad ko iyong nasambot at matalim siyang tiningnan.

"Don't look at me like that. Hindi bagay sa'yong mag galit-galitan."

Una niyang hinubad ang kanyang gray jacket. Ang mga matatalim kong mata ay agad nanlaki.

"Sa harap ko talaga ikaw magbibihis?" Nahubad niya na ang kanyang jacket at hinagis niya ulit sa mismong mukha ko na agad kong nasalo bago pa malaglag. "Levi!"

Agaran ang pagpikit ko ng mga mata nang hinubad niya na ang white t-shirt na suot. Napalunok ako.

"Tsss..."

Naramdaman kong pinatong niya ang hinubad na t-shirt sa balikat ko bago kinuha ang malinis at bagong black long sleeve na ibinigay ng isang PA sa kanya kanina. Nahaplos niya ang kamay ko dahil doon. Akala ko ay isang mabilis na paghaplos lang iyon pero nagulat ako nang mahigpit niyang hinawakan iyon.

I opened my eyes just to see him staring at me. His face was calm. His eyes were blank. His thin and red lips were shut into a thin line.

"Why are you avoiding me like I have some serious disease?"

"You are the person I must avoid in all cost next to her. Why are you here? Why are you all here?"

"I'm the only one here."

Eyes On MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon