[59] Hear Me Out
It turned out that Raziel Cayden Lionheart was only kidding when he said magtatanan kami!
Sa byahe, sa loob ng itim na van, ay kasama ko sina Raziel, Heaven, Jagger, Pain, Chrome, and Lohan. Ang ibang Lionhearts ay nasa kabilang van na nauuna. Nang dumating si Cain kasama si Lionel ay agad kaming umalis.
Natutulog si Lionel sa balikat ko nang maramdaman ang braso ni Raziel na pumulupot sa aking baywang. Ngumuso ako at hindi pa rin matanggal ang lukot sa aking mukha.
Hindi naman sa disappointed akong hindi matutuloy ang "tanan" namin pero medyo umasa kasi ako. At napahiya.
Hindi pala kami magtatanan. Magbabakasyon lang pala kami sa isa sa mga hotel and resorts na pagmamay-ari ng Lionhearts sa Bayan ng Travia.
"Why the long face?" he asked with a teasing smile.
"Don't talk to me." I hissed at him.
"Huwag mong sabihing umasa kang magtatanan tayo, Vivi?" Medyo umarte pa siyang gulat.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi ako umasa..." Gusto ko siyang sigawan sa iritasyon pero ayaw kong magising si Lionel.
He tilted his head and stared straight into my eyes. He said these in a serious voice, "The Vivi I know doesn't lie."
Lumunok ako at umiwas ng tingin. He gave my waist a sensual pinched. Bumalik ang masama kong tingin sa kanya pero agad din iyong naglaho sa aking mukha. Nakita ko kasing sobrang seryoso niya.
"Hindi natin kailangan magtanan. Walang humahadlang sa atin. Wala tayong tatakasan," mariin at seryoso niyang sabi.
"Raziel," seryoso ko ring tawag. Nakita kong napalunok siya. "Hindi ibig sabihing sumama kami sa'yo ngayon ay payag na akong bumalik ka sa buhay ko. Kailangan ko pang mag-isip..."
He suddenly gave me a small smile. "That's much better, love. At least, alam kong nagdadalawang-isip kang paalisin ako nang tuluyan sa buhay mo."
Tinanggal niya ang kanyang braso sa aking baywang at dahan-dahang kinuha sa akin si Lionel. Gumawa nang kaunting ingay ang anak namin nang maistorbo sa pagtulog. Nilagay ni Raziel ang ulo ni Lionel sa dibdib niya. Hinaplos-haplos niya ang likod nito.
"It's sad that those three years we were apart have changed you," sabi niya, nakatitig sa anak namin. He had this expression of a person who's already accepted everything in his life. A kind of face and expression without any regrets and dark feelings anymore. "I've changed, too. I'm not the same guy who was so madly in love and obsessed with his first love," he said in a low voice.
For a second, I wanted to hug him and to kiss every corner of his handsome and lovely face.
"Kuya, I'm done." Maligayang bumaling sa amin si Chrome Lionheart mula sa passenger seat. Kumindat siya sa akin. "Wala nang mananakit sa'yo sa mga online forum sites. I hacked their cellphones and computers. I also deleted all the articles and comments about your scandal. Hindi na sila makakapag comment ng kahit anong tungkol sa'yo. Kapag binaggit nila kahit first name mo lang, mabablock sila! This handsome, kind guy, and hacker God will protect you!" Tinuro niya ang kanyang sarili.
Chrome seemed like the type of a person who has a happy-go-lucky and outgoing personalities. I smiled at him.
"Thank you so much, Chrome."
Kumindat ulit siya sa akin. "You're welcome, future sister-in-law!" He chuckled. Uminit ang mga pisngi ko sa tawag niya sa akin. Bumaling siya kay Raziel. "Nasaan ang compensation ko, Kuya?"
BINABASA MO ANG
Eyes On Me
General FictionThe Lionheart Brothers #1 "You are always looking at her. Just this time, please, look at me. Eyes on me."