[29] Of Screams and Cries
Sa dulo ng eskinita ay may biglang humarang na lalaki. Mas malaki ang pangangatawan at mas matangkad sa mga lalaking humahabol sa akin. Nawalan ako ng pag-asa. Unti-unting bumagal ang takbo ko. Humikbi ako.
Bumigay ang tuhod ko at napaluhod ako. Pinilit kong tumayo. Pero noong tatakbo ulit ako, may humablot sa buhok ko at hinila iyon. Napasigaw ako sa sakit na dulot noon sa aking anit. Muli akong napaluhod.
"Aray! Bitiwan mo ako! Please!" Hinawakan ko ang mga kamay niyang humihila sa buhok ko.
Hindi na siguro maitsura ang mukha ko. Nakangiwi ako, iniinda ang sakit na dulot sa paghila sa aking buhok. Ang mga sugat ko sa aking tuhod na mas lalo pang sumakit at humapdi dahil nakaluhod ako sa magaspang na sahig ng eskinita.
Hawak ang aking buhok, marahas niya akong pinatayo. Sumigaw na ako sa sobrang sakit! Umiyak na ako! Para na akong makakalbo sa ginagawa niya!
Biglang nawala ang pagkakahablot sa buhok ko. Pabagsak akong napaupo sa sahig. Sa tabi ko'y nakahilata na ang isa sa mga payat na lalaki. Sa kaunting liwanag galing sa buwan ay nakita ko ang itsura niya. Dilat na dilat ang mga mata niya. At...
May tama ng baril sa noo.
Napasigaw ako. Sobrang lakas. Napaupo ang mga natirang payat na lalaki sa nakita. Napamura sila bago nag-unahang tumakbo. Sigaw ako nang sigaw. Gumapang ako palayo sa wala ng buhay na lalaking humablot sa buhok ko. Naramdaman ko na lang na sunod-sunod bumagsak ang mga katawan ng mga lalaking tumatakbo. Nakita kong nakahilata na ang mga payat na lalaki sa sahig. I screamed again and crawled away from them. Nadulas pa ako sa medyo mainit at malapot na likido sa sahig. Mga dugo nila iyon na nagkalat!
Iyak ako nang iyak. Natatakot ako na baka ako ang isunod na patayin ng lalaking nasa dulo ng eskinita!
Nakarinig ako ng mga yabag. Hindi ko tiningnan kung sino ang mga bagong dating. May biglang bumuhat sa akin. Isang sigaw ang kumawala sa bibig ko at nagpapadyak ako.
"Shh... Vivi... It's me..." I heard a familiar voice but it didn't stop me from screaming and kicking mindlessly. "Kunin mo ang cellphone niya, Pain," sabi nito.
Medyo kumalma ako nang halikan niya ako sa aking noo. Tumigil ako sa pagpadyak at pagsigaw pero patuloy pa rin ako sa pag-iyak.
Nakalabas kami sa madilim at masikip na eskinita. Ang lalaking nasa dulo kanina ng eskinita ay agad kong nakilala nang maliwanagan ang mukha niya ng nag-iisang street light sa paligid. It's one of the Lionheart Brothers. Swabe niyang itinago ang maliit na pistol sa kanyang mahaba at kulay brown na coat at ngumiti sa akin.
"Hi," casual niyang bati sa akin, na para bang wala siyang binaril na apat na lalaki kanina!
Walang tao sa lugar na ito maliban sa amin. Walang mga bahay. Isang street light lang at isang tahimik at payapang riverside.
May nakaparadang black suv jeep sa tabi. Ito iyong sasakyang ginagamit ni Raz kapag kasama niya kami ni Vaan. Kapag ako lang, iyong 2 seater niyang black Corvette ang gamit.
Nanguna iyong lalaking bumati sa akin sa suv para buksan ang passenger seat. Maingat akong ipinasok doon ni Raz. Nanginginig ang buong katawan ko, lalo na ang aking labi. Mabagal na ang pagbuhos ng aking luha pero ang hikbi ko naman ay tuloy-tuloy, walang preno.
Tumingala ako para tingnan si Raz. Marahan ang pagkakahawak niya sa akin kanina pero ang ekspresyon ng mukha niya ngayon ay sobrang dilim at tigas.
"What the fuck are you doing here alone!?!"
Mariin akong pumikit. Tumaas ang mga balikat ko sa gulat. Ito ata ang unang pagkakataong narinig ko si Raziel na sumigaw nang ganoong kalakas. Ramdam ko ang galit niya sa kanyang boses.
BINABASA MO ANG
Eyes On Me
Narrativa generaleThe Lionheart Brothers #1 "You are always looking at her. Just this time, please, look at me. Eyes on me."