[14] 3 Things

3.8K 112 20
                                    

[14] 3 Things


"Bitiwan mo ako!" sigaw ko at napatili sa sakit nang mas lalo niyang higpitan ang pagkakahawak sa akin.

Hindi ko makita kung sino ang humahawak sa akin dahil sobrang dilim!

Patulak niya akong binitiwan. Napaatras ako at may nasagi akong bagay. Nawalan ako ng balanse kaya napaupo ako sa sahig kasabay ng isang tunog ng pagkabasag. Hinawakan ko ang aking brasong hinawakan niya. May naramdaman akong dumaplis sa aking kamay. Isang matulis na bagay.

Bumukas ang pinto sa aking harapan. Napapikit ang isang mata ko sa biglaang liwanag na nakita. A man with only his pants was standing in front of me.

Bumilis ang paghinga ko dahil sa takot at sakit na nararamdaman.

"R-Raziel!" natatakot kong tawag sa lalaking kalalabas lang ng kwarto.

"Vivi?" parang gulat na gulat niyang tawag sa akin. Pupuntahan dapat niya ako ngunit bigla siyang napatingin sa gilid niya. Hindi ko makita kung anong ekspresyon ang nasa mukha niya ngunit nalaman kong galit siya dahil sa makapal niyang boses. "Pain, what did you do to her?"

Pain? He's Pain?

Pinilit kong tingnan ang mukha ni Pain. Tinulungan akong makatayo ni Raziel. Dahil sa liwanag na nanggagaling sa kwartong pinanggalingan niya, nakita ko ang itsura ng nakababatang kapatid niya.

He looked so... unstable... and dark.

Nakatagilid ang kanyang ulo at nanlilisik ang mga mata habang nakatingin sa akin. He has dark circles under his eyes. His lips were red, at mas lalong tumingkad ang pagkapula noon dahil sa maputing balat niya. Napakagulo ng kanyang buhok pero mas nakadagdag iyon sa kanyang karisma.

Ang takot na nararamdaman ko'y biglang naglaho. This is Pain Lionheart. Sa wakas ay nakita ko na rin siya!

"Go to your room now," mala-haring utos ni Raziel sa kanyang kapatid.

"Raziel, siya si Pain. Gusto ko siyang makilala."

Sinipat niya ako ng tingin, magkadugtong ang kanyang mga kilay. "He's unstable now. Saka na kapag nasa mood siya," sabi niya at tiningnan ulit si Pain. "Pumasok ka sa kwarto mo. Ngayon din."

Hinagod pa ako ng tingin ni Pain bago tumalikod at naglakad na parang walang nangyari. Bumukas ang pinto ng isang kwarto at pumasok siya roon.

"What the hell are you doing here? Ikaw lang? Wala kang kasama? Nakaya mong pumunta rito nang ganitong oras? Ano bang pumasok sa isip mo at pumunta ka rito?" sunod-sunod niyang tanong na nagpangiti sa akin.

Bihira lang maging madaldal si Raziel. Nakakapanibago at nakakainit ng pusong marinig siyang mabilis at sunod-sunod na nagtatanong sa akin.

Inangat niya ang aking braso. Tiningnan niya iyon kaya napatingin din ako. Namumula ang aking brasong hinawakan ni Pain at may hiwa at dugong lumalabas sa kamay ko ngayon.

Napakagat ako ng labi. Kinuha niya ang hawak na paper bag na hindi ko binitiwan man lang kahit napaupo at nasaktan na ako kanina.

Tiningnan ni Raziel ang basag na vase sa likod ko. Nadaplisan ako ng parte ng basag na vase sa kamay kanina kaya nagkaroon ako ng hiwa.

"Kung gusto mo palang pumunta rito, dapat sinabi mo sa akin. Susunduin kita," pagalit niyang sabi saka ako marahang hinatak papasok sa kwartong bukas ang pinto. "Hindi iyong nagmamagaling ka. Nasaktan ka tuloy."

Bakit imbes na masaktan o magalit sa sinabi niya, napangiti pa ako?

Pagpasok namin sa kwarto, nalaman kong sa kanya pala iyon dahil bumungad agad sa akin ang dingding na puro nakadikit na pictures nila ni Ma'am Ellone.

Eyes On MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon