[41] Love
Umalis kami sa House of the Lionhearts at pumunta sa favorite place namin—ang stone walled fence sa tabi ng dalampasigan.
Hindi niya binitiwan ang aking kamay. Kagaya ng palaging ginagawa niya, hinawakan niya ang baywang ko para iangat at paupuin sa stone walled fence. Humawak ako sa magkabilang balikat niya. Nagkatinginan kami. Kuminang ang mga mata niya sa nagbabadyang luha. Umawang ang bibig ko.
"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin ang nararamdaman mo? Bakit sa iba ko pa nalaman? Bakit ngayon lang? Kailan pa 'yan?" sunod-sunod niyang tanong.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. "Raz..."
"Huwag na tayong magpaligoy-ligoy. Sabihin mo sa akin ang lahat, Vivi."
Tumulo ang nagbabadyang mga luha sa kanyang mga mata. Sumikip ang aking dibdib. Hindi ako sanay na ganito siya! He's too emotional right now!
Nanginginig ang mga kamay, pinaalis ko ang mga luha niya. "Bakit ka ba umiiyak? Hindi ako sanay!" sabi ko, nagsisimula na ring umiyak.
"I don't know why I'm crying. Is it because of Ellone? Is it because of you?" he asked himself in a whisper voice. Nanlisik ang mga mata niya nang salubungin niya ang tingin ko. "You tell me. Kung mahal mo pala ako, bakit mo ako nilalayuan at ibinibigay kay Ellone?"
Hirap na hirap akong lumunok. "Gusto ko lang namang maging masaya ka—"
Bigla niyang hinampas ang kanyang palad sa walled na inuupuan ko, sa gilid ko mismo. Nanigas ako sa gulat. Medyo nanlaki ang mga mata kong papaiyak na. Naging mabagal ang pag-agos ng luha niya. Pulang-pula ang kanyang mga mata, hindi ko alam kung sa galit, sakit, o ano.
Kahit kinabahan na ako sa pagiging agresibo niya, tinuloy ko pa rin ang aking sasabihin.
"Nilayuan kita at nag planong tulungan si Ellone na makuha ka ulit dahil gusto kita maging masaya. Alam kong sa kanya ka sasaya. Gustong-gusto kitang maging masaya, Raz. I want to save you from the loneliness and brokenness..." my voice cracked.
"Who are you to decide that?" Nanigas ang kanyang panga sa inis. "Sinabi ko ba? Pinilit ba kitang pasayahin ako?"
Umiling ako. "Hindi..." Para na akong nanliliit sa klase ng tingin niya.
Huwag mo naman akong tingnan nang ganyan, Raz. Para kasing sobrang laki ng kasalanang ginawa ko sa'yo. Ang gusto ko lang naman ay pasayahin ka.
"I don't want to be saved!" he shouted and I shrieked. Bumagsak ang mga kamay kong nasa pisngi niya papunta sa lap ko. "I don't want you to save me kung aalis ka rin naman pala sa tabi ko..." his voice cracked, too.
Bumuhos na ang pinipigilang mga luha ko. "I'm really sorry..." ang tanging nasabi ko.
"Just be here beside me, quietly and patiently waiting while I try to save myself."
Humikbi ako. "I'm really sorry..."
"And now you're sorry?" hindi niya makapaniwalang tanong.
"I'm sorry, Raz..."
Suminghap siya. Lumayo siya at tumalikod sa akin. Taas-baba ang kanyang mga balikat sa mabilis at bayolenteng paghinga. Pumaywang siya at ilang segundong pinakalma ang sarili habang nakatalikod sa akin.
Umiyak lang ako nang tahimik habang ginagawa niya iyon. Nanginginig ang mga kamay at labi ko sa pag-iyak.
"Ako ang magdedesisyon kung kailan ka na aalis sa tabi ko. Kapag naramdaman ko nang hindi ko na deserve ang isang katulad mo. Kapag sumusobra na ako. Kapag... kapag..." Nilingon niya ako. His face softened. "Kapag gusto ko nang mailigtas, ikaw ang unang makakaalam. At sa panahong iyon, ako na mismo ang tutulak sa'yo paalis at palayo sa isang katulad ko."
BINABASA MO ANG
Eyes On Me
General FictionThe Lionheart Brothers #1 "You are always looking at her. Just this time, please, look at me. Eyes on me."